Chapter 13

43.1K 914 15
                                    


SA TANGHALIAN ay wala siyang kibo at nakayuko lang sa pagkain. Monopolado ni Aurora ang usapan. Si Roberto'y kaswal na nagtatanong paminsan-minsan.

"Mabuti at nadaanan mo si Lara at Emil sa libis, Jaime," si Aurora na hindi itinatago ang kasiyahan. "Kung nagkataon ay naglakad pauwi ang dalawang mga bata. Kung bakit ba naman kasi kay babata pa'y nagdi-date na."

"'Ma," aniya. Nakikiusap ang mga mata at pagkatapos ay nilingon ang ama.

"Honey, pinayagan mo ang dalawa, hindi ba?" Si Roberto sa mahinahong tono.

Nagkibit ng mga balikat si Aurora. Tila hindi mahalagang ipagpatuloy ang usapan tungkol sa kanila ni Emil. "Sana'y totoo na ang pananatili mo rito, Jaime. Nagkaka-edad na si Roberto at hindi na magampanan ang mga dating trabaho."

Mula sa pagkakayuko'y pailalim niyang sinulyapan si Jaime na tumingin din sa kanya bago nagsalita. "Nangako ako sa Lola Felisa, Tita Aurora."

"You don't know how you made me happy, Jaime."

Kung ano man ang ibig sabihin ng Mama niya roon ay hindi niya alam. Narinig niyang tumikhim si Roberto at nagtanong ng mga makabagong paraan sa pagsasaka. Mahusay ang mga mungkahi ng binata. Tahimik siyang nakikinig kaya nagulat siya nang iderekta nito ang sinasabi sa kanya.

"How fast you've grown, Lara," kaswal nitong sinabi na tila ba umalis itong magkaibigan sila. "Where's the pigtail?"

Naunahan siya ni Aurora sa pagsagot. "Oh, ang batang iyan ay nagmamadali sa pagdadalaga. Seventeen lang ay tila dalaga na kung gumayak at mag-ayos. Sabi ko nga'y samantalahin ang pagiging bata, pero hayun at mukhang may boyfriend na. And I'm glad you're here now, Jaime. Mababantayan mo ang batang iyan."

Dumilim ang mga mata niya. "'Ma, Agrikultura ang tinapos ni Jaime hindi bodyguard." Palihim niyang sinulyapan ng matalim ang binata and to her surprised unti-unting lumitaw ang isang ngiti sa mga labi nito. Bahagya na niyang hindi mapigil ang pagsinghap.

"I am a very flexible man, Lara. I can do both."

I don't doubt it. Gusto niyang isagot pero pinigil niya angsarili. The smile melted her. Kasabay niyon ay ang inis sa sinabi nito.     

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now