Chapter 14

44.8K 971 8
                                    


"SA IYO ba ang kabayong iyan?"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Si Jaime. He was a big man but he moved like a cat. Ni hindi niya naramdaman ang paglapit nito.

"Yeah," sagot niya sabay bawi ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng saddle sa kabayo. "Regalo ng Mama at Papa pagka-graduate ko sa high school," dagdag impormasyon niya.

"Congratulations," patuloy nito. "Ang sabi ng Tita Aurora'y salutatorian ka."

Bahagya na niyang naikibit ang mga balikat. "Sa iyo rin," sapilitan niyang sagot, out of politeness. "Narinig kong pinag-uusapan ng mga magulang ko ang pagtatapos mo more than three years ago," sinulyapan niya ito para lang bawiin agad ang tingin dahil nakatitig ito sa kanya. "Not that I care, why didn't you come then?"

Humakbang palapit si Jaime. Huminto sa may harap ng kabayo at walang anumang hinaplos iyon. Napako ang mga mata niya sa kamay nitong banayad na humahaplos sa hayop. It was so gentle that for a fleeting moment ay naisip niyang sa ganoon din kayang paraan nito hinahaplos ang isang babae. He must be about twenty three at siguro'y hindi na mabilang na babae ang nagdaan sa mga kamay na iyon.

Tumikhim si Jaime na ikinalipad ng mga mata niya rito. Bahagya siyang namula nang ma-realized ang naisip and almost expected him to have read her mind.

"Architecture ang tinapos ko nang imungkahi ng Lola Felisa na kumuha ako ng ilang units sa Agrikultura," paliwanag nito na ipinagpatuloy ang paghaplos sa kabayo. "Siguro dahil binalak na niyang pauwiin ako rito..."

"You've very lucky," they were on normal speaking terms pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nahaluan ng bahagyang panunuya ang tinig niya. "Akalain mong nakapag-aral ka na sa mamahaling university ay halos dalawang kurso pa ang natapos mo. Hindi ako magtataka kung pamanahan ka ng Lola 'pag namatay ito."

Nakita niya ang pagdilim ng mga mata ng binata at ang unti-unting paniningkit nito. Bahagya siyang kinabahan doon at nagyuko ng ulo.

"Are you always this snobbish?" Tila patalim na humihiwa ang tinig nito. "Dapat ba'y ang mga katulad mo lang ang may karapatang makapag-aral at makapagtapos?"

"I—I'm sorry," halos hindi niya marinig ang sariling tinig. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jaime. Nakakailang na katahimikan ang namagitan bago muli itong nagsalita.

"Boyfriend mo nga ba si Emil?"

Mula sa saddle ay lumipad ang mga mata niya rito. Hindi inaasahan ang tanong. "Wala kang karapatang tanungin ako ng ganyan!"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Kung mangangabayo ka'y sasamahan na kita. Sa likod mo ako and show me how to—"

"No!" mabilis niyang sagot. "Huwag mong seryosuhin ang sinabi ng Mama! Kung gusto mong mangabayo, mangabayo kang mag-isa mo!" Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reaksiyon niya sa lalaki. Para bang lagi na'y nakahanda siya sa pakikipag-away rito.

Humakbang palapit sa kanya si Jaime habang nagsasalita. At sa pagkabigla niya'y hinawakan siya sa baywang at itinaas sa kabayo nang walang kahirap-hirap. Muntik na siyang napatili kung hindi niya napigilan ang sarili.

"Hindi mo kailangang gawin iyon!" pasigaw niyang sabi upang pagtakpan ang kalituhan at kakaibang naramdaman nang hawakan at malanghap niya ang panlalaking amoy nito.

"Ginawa ko na," bale-walang sagot ng binata. "Kasinggaan ka lang ng dahon, sweetheart," hindi niya matiyak kung amusement ang nahihimigan niya sa tinig nito. "Saang bahagi ng asyenda ka pupunta?"

"Wala kang pakialam! And I am not your sweetheart!" pagkasabi niyoy mabilis niyang hinapit ang kabayo at pinatakbo ng mabilis, as if the devil himself were after her.

Sinusundan ng tingin ni Jaime ang papalayong dalagita nang mula sa likod ay lumapit si Roberto.

"Don't take my daughter seriously, Jaime," wika nito.

Tumiim ang mga bagang ng binata pero hindi lumingon. "She resented me."

"Tulad noon?" naghahamon ang tinig ni Roberto na ikaila niya iyon. Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon ni Jaime ang matandang lalaki. "Oh, I know," dugtong nito na sinabayan ng iling. "Si Lara ang dahilan kung bakit napilitan kang bumalik ng Maynila noon. Sa isang banda'y mabuti na rin iyon, Jaime. Bata ka pa rin at maaaring hindi mo alam pakitunguhan ang anak ko. Kind of spoiled dahil nag-iisa."

"Sa palagay mo'y kaya ko siyang pakitunguhan ngayon?" ganting hamon ni Jaime sa sarkastikong paraan. "Isang linggo na mula nang dumating ako at wala akong natatandaang kinausap niya ako ng maayos."

Tinitigan ni Roberto ang binata. Matagal bago sumagot. "She's only a girl, Jaime. At nagtitiwala ako sa iyo," pagkasabi noo'y tumalikod na uli ang matandang lalaki. Naiwang nagbuntong-hininga ang binata at sinundan ng tingin ang dakong dinaanan ni Lara na para bang makikita pa niya ang dalagita.

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now