F*ckboy

694 18 4
                                    

F*CKBOY.

Kamusta bro. Wala ng intro intro, Ilan na natuhog mo? Dami na noh. Bute wala kapang tulo, Ilang babae naba ang iyong biniyak? Ilang babae naba ang iyong pina-iyak? Ilang babae naba ang iniwan mong wasak? Ilang babae naba ang naloko mo ng mga salita mong mabulaklak? Ilang pangako naba ang napako? Ilan naba ang nadala mo sa sogo? Ilan naba ang natalsikan mo ng likido? Mag-ingat ka baka may tiyan kanang mapalobo. Ikinagwapo mo ba yan? Tingin mo angat kana sa iba nyan!? Akala mo ang pagiging pogi yan ang basehan. Mali ka bro kaya iyo nang tigilan, Ang babae di kahoy yan para lang sibakin. Ang babae di palay yan para lang bayuhin. Ang babae di bukid yan para lang araruhin, Ang babae tao yan na kailangang respetuhin! Pati tuloy yung iba nadadamay dahil sayo. Di na tuloy pinagkakatiwalaan pati matitino, Mga lalaki tuloy nilalahat na bro. Pumapanget tuloy imahe ng mga inusenteng tao. Dapat sayo isumbong sa presidente, Dapat sa dalawa mong itlog kinukuryente! Dapat sa katulad mo pinuputulan ng ari. Para di na kumalat pa ang iyong lahi, Alisin mo na yang libog sa katawan. Kamayin mo nalang kung di kayang pigilan. Ipunas mo nalang sana sa basahan, Hindi yung maghahanap kapa ng parausan! Ikaskas mo nalang sana sa pader. Hindi yung naghahanap kapa ng partner, Gumamit ka nalang ng lotion sir? Wag kanang gumamit ng babae brother. Nakakasakit ka kase alam mo ba yon, Yung tipong papasok ka sa isang relasyon! Bobolabolahin mo para lang makuha ang intensyon. Tapos iiwan mo lang pagkatapos mapasukan ang balon. Ilang babae paba ang masasaktan? Ilang babae paba ang pagsasamantalahan? Ilang babae paba ang iiwan mong luhaan? Para lang itigil mo yang iyong kagaguhan. Kapag ba may sakit ka na? Kapag ba wala ng babaeng mabibiktima? Kapag ba wala ng babaeng magtitiwala. O kapag dumating na sayo ang karma? Sana nga karmahin kana! Para matauhan ka. Para pagsisihan mo lahat ng iyong ginawa, Para maramdaman mo ang naramdaman nila? Sana dumating na yung oras na ikaw naman. Ikaw naman ang masasaktan, Ikaw naman ang iiwan at mawawalan! Ikaw naman ang pagti-tripan. Pano kapag ikaw naman ang nasa katayuan nila bro, Pano kapag ikaw naman ang magseryoso? Pano kapag ikaw naman ang maloko? Pano kapag ikaw naman ang iwan pagkatapos kunin ang mahalaga sayo? Sakit diba! Di mo iniisip yon tanga. Itigil mona yan hangga't maaga pa, Wag mo nang hintayin na magsisi kapa. Pano kapag kapatid mong babae ang ginanon? Pano kapag nagka-anak ka tapos ganon din ang sitwasyon? Sa tingin mo di ka magagalit non? Kaya naman magisip-isip kana ngayon. Ano bro titigil ka na ba? O tutuloy kapa? Wag masyadong makapal ang muka. Di kana nga kagwapuhan manloloko pa, Tao ka rin naman! Kaya dapat kang matauhan. Respeto lang naman ang kailangan, Para tayong mga lalaki ay pagkatiwalaan. Di pa naman huli ang lahat sayo. Pwede ka pa namang magbago, May ipapagawa nalang ako! Sana makatulong 'to sa pagdidisisyon mo. Ipikit mo ang iyong mga mata, Isipin mo ang kapatid mo o kaya'y babaeng sayo'y mahalaga. Isipin mo na katulad mo ang magiging boyfriend nya. Oh ano, Nagets moba! Ngayon itigil mo na.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now