Sandata,sandata
Ano ang sandata?
Ito ba ay yung espada?
Nang sabihin ng pastor
"Ito ang Bibliya
Ito ang ating sandata at pag-asa
Ito ang pinakamalakas na espada
Ito ang nagmulat sa aking mga mata
Kung sino talaga siya
Ito'y nagbibigay sa atin ng kaalaman
Ito ang sandatang ating kailangan"
Ako'y nagising sa katotohanan
Nagising sa katotohanan na siya ang ating kailangan
Siya ang magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan
Siya ang ating patutunguhan
At siya ang nagligtas sa atin mula sa kasalanan
Ang Diyos
Siya ang ating buhay
Siya ang lumikha sa lahat ng bagay
Siya ang ating tagapagligtas
At siya ang simula at ang wakas
![](https://img.wattpad.com/cover/151368585-288-k755571.jpg)
YOU ARE READING
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.