Tinawag ang pangalan ko

33 1 0
                                    

Para umakyat sa entablado
Tanggapin ang sertipiko
Para sa mga umano'y matatalino

Tinawag ang pangalan ko.
Mayroong nagtatanong
Sagot sa ikatlong bilang
Na aki'y binalewala 

Tinawag ang pangalan ko.
At may mga dinagdag na salita:
Walang kwenta't walang modo
Ang sambit ng aking ina

Tinawag ang pangalan ko.
Isang boses na maligaya
Iyon pala'y, nasa aking ulo
Habang tumutulo ang aking luha

Tinawag ang pangalan ko.
Tila 'di ako makagalaw.
Madaming taong nagsitakbo.
Kanina'y, sa bintana lang ako nakadungaw.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now