SANA AKO NALANG

218 4 0
                                    


Oo Gusto kita
Kaya sana gustuhin mo din ako
Alam kong hindi ako gwapo
Na pwede mong maipagmalaki
Sa mga kaibigan mo
Alam ko ding hindi mo ako magugustuhan
Dahil wala sa akin ang katangiang hinahanap mo
Pero ito lang masasabi ko
Ang Pagmamahal ko ay totoo
Hindi gaya sa mga nakaraan mong nobyo
Na sinaktan ka lang at niloko
Ipinapangako ko sayo
Kapag ako ang nagustuhan mo
Hindi ko hahayaang may lumabas na luha galing sa mga mata mo
Dahil tatratuhin kitang prinsesa ko
Kahit na Maliit lang ang palasyo ko
Dahil mahirap lang ang prinsipeng kagaya ko
Pero nais ko lang na malaman mo
Na kahit ganito ako
Marunong naman akong remespeto
Kaya kung magmamahal ka Huwag na yung gwapo
Kung nandito lang naman ako
Naghahantay sayo
Kaya sana ako nalang ang gustuhin mo.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now