B.I

250 4 0
                                    

Bad influence kumbaga,
Na akala ko'y ligaya ang dala.
Minsan na nga lang magmahal,
Don pa sa taong walang dangal.
Ako na isang tanga,
Nagpadala sa mga sweet messages niya.
Mga salitang mafafall ka talaga,
Salita na akala mo ay tunay na
Pinaikot ka lang pala.
Ginawang aso na hahabol sa kanya,
Na parang walang pupulot sa'yo kundi siya.
Pulubi.
Ganyan ka sa tingin niya.
Nanlilimos ng oras at atensyon.
Atensyon na sa huli gusto kang kunin at
Paikutin sa palad niya
Na parang laruan.
Laruan na kung sawa na siya,
Itatapon ka na lang niya ng basta-basta.
Dudumihan ang pagkatao mo,
Na ipamumukha na 'di iikot ang mundo kung wala siya sa piling mo,
Piling na kahit kailan 'di ukol sa'yo.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now