Takot ako

31 1 1
                                    


Hindi ako takot umibig pero takot ako sayo. Hindi’ dahil ayoko sayo, kundi’ sa tingin ko hindi malabong mag kagusto sayo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang magagandang mga kwento mo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo, ang mga titig mo at baka masanay ako.

Hindi ako takot umibig pero takot akong mahulog. Sapagkat paano mo iibigin ang taong katulad ko? Kung sa unang gabi palang ng  pagkikita ay nahulog na sayo. Nahulog sa kwentuhang matagal, sa kanyang boses na hindi pagal, sa mga ngiting nang-aakit, sa mga matang nakakahumaling, sa kanya na hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Hindi ako takot mag-isa, pero takot akong kasama ka. Takot akong makasama ang mga dati mong kasama, baka kasi kung anong sabihin nila.O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila,maramdaman ko ulit kung pano ang mag-isa.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula. Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may nakakapit na malas lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas. Hindi kasi lahat ng wakas ay may kasunod na simula.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now