Paalam.v2

19 1 0
                                    

gigising at muling sasabihin
na kakayanin at tatanggapin
mag isa ko nga bang haharapin
bigat ng aking damdamin?

Iiwan mo rin ba
ang puso ko na binubuhay mo pa
sana di nalang nag-abala
para ngayon ay tanggap ko na

ayoko na, tama na, awat na
pakiusap ko, sinta
malabo na ako'y makabangon pa
kung puso mo saki'y magsara

hayaan,iwanan,paalam
palayain sa baging
na ako rin ang naghaing
bitawan,wag sundan,paalam

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon