Alak

14 0 0
                                    

Pag-asa, tayo daw ang pag-asa
Kabataan daw ang pag-asa ng bayan sabi nila
Pag-asa? pag-asa sa pagbabago
Pero nasaan ang pag-asa,
Kung mismo tayo'y nababalisa
Nababalisa sa paikot-ikot na problema.
Droga,patayan,droga,patayan droga
Paikot-ikot nalang nakakapagod na.
Laman ng balita'y paulit-ulit nalang
At ang mga buhay, mga inosenteng buhay
Ay nasasayang, paulit-ulit nalang.
Pag-asa? nasaan na ang pag-asa
Kung mismo ang ugali natin ay nagbago na.
Ang respeto sa lahat ay nababalewala,
Ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba' nawawala na.
Pag-asa, nasaan ang pag-asa kung
Ang ating lipunan ay nagdudusa na?
Nasaan ang pangako ng pagbabago,
Eto ba ay nawala, naglaho o napako?
Mistulang lasing ang mga tao
Nagbubulagbulagan sa sinasabing pagbabago.
Pero nasaan ang pagbabago kung mismo tayo'y di natututo?
Na parang alak ang ating lipunan,
Sa una'y walang epekto, walang pakiramdam
Pero habang tumatagal ika'y mababaliw,
Matutuwa, malulungkot, samu't-saring emosyon ang mapupuna.
Pero habang tumatagal ikaw ay mapapaisip
Kung para saan nga ba ito.
Itong paglaklak ng napapakong pangako.
Nasaan na ang mga nasabing pag-asa at pangako,
Kung tayo ay uhaw sa alak na walang pagbabago?

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon