Pagkabigo, pagkakamali, pagkatalo, pagkakasala
lahat siguro ng di mo gusto,
maharil magiging ugat netoBinaon mo na sa nakaraan,
hinukay muli ng kasalukuyan
para pagnilayan? para balikan ang nakaraan?
may mauungkat ba jan?Bakit ba ganto tayong lahat?
parating iniisip na di sapat
ano ba talaga ang batayan?
ano nga ba ang basehan?Walang perpekto sa mundo
ito ay tandaan mo,
di lahat maitatama mo
di lahat magiging ayon sa gusto mo.Ito'y tanggapin mo
ito ang natatanging paraan
sapagkat ito'y natapos na
hindi na dapat balikan paPagsisisi? pwede kabang mabuhay jan?
ano paba silbe ng salitang yan?
ipaliwanag ang katotohanan, at upang isaksak sa kokote ang kamalian?Dahil ikaw mismo ang may alam
kung saan ba nagkamali o nagkulang
kung saan may sumobra at nagpabaya
sarili mo nalang ang makakahusga.Kaya isipin mong mabute kung anong tama at mali
mga bagay na ginagawa at mga karanasan na di na tama
sarili mo lang ang makakapagsabi at sarili mo lang din ang makakasagot
kung gusto mo itama ang sarili mo o hinde.
![](https://img.wattpad.com/cover/151368585-288-k755571.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.