Pangako sa Kahapon

54 1 0
                                    

Pangako sa kahapon,
Na pinanghahawakan ko pa rin hanggang ngayon.
Nagbabakasakaling tutuparin mo iyon
Pagdating ng panahon.

Pangakong "hindi kita iiwan,
Mananatili ako sa tabi mo kailanman."
Bulong ko sa kawalan,
Wala akong pakialam kung ito'y kahibangan.

Pangakong "mananatiling ikaw ang iibigin"
Napangiti ako, ano pa nga bang hihilingin?
Tinupad mo na ang mithiin,
Nangyari na ang gusto ng aking damdamin.

Pangakong "hindi ako mawawala sayo"
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ito.
Napako ako sa kinatatayuan ko,
Dito mo lahat sinabi ang mga pangako.

Pangakong.., napailing na lamang ako,
Ang mga pangako mo ba'y mapapako?
Mananatili na lang bang naghihintay ang puso?
Maiiwan na ba sa kahapon ang mga pangako?

"Pangako, babalik ako"
Ilang taon na ba akong naghihintay rito?
Nagbabakasakaling nandito kana, at binalikan mo na ako.
Pero, ilang taon pa ba ang dapat na hintayin ko?

Lumipas na ang sampung taon,
Ngunit wala ka pa rin hanggang ngayon?
Nasaan na ang pangakong babalikan mo
Maiiwan na ba ang mga pangako sa kahapon?

Maaari na ba akong bumitaw?
Palubog na ang araw,
Senyales na natapos na naman ang isang araw,
At walang ikaw na lumitaw.

Pangako,
Pasensya ngunit napag-iwanan na ata ako.
Dapat ko na rin atang iwan ang mga ala-ala at bangungot ng mga pangako noon,
Pangako na sa tingin ko mananatili na lamang sa kahapon.

Tagalog PoetryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang