Una at Huli

187 2 0
                                    

Una at huli

Bago ko umpisahan ang lahat
Hayaan mo akong ipakilala sa inyo
Ang Unang BABAE nagpatibok sa aking puso.
Unang babaeng nagparamdam ng kakaibang saya
Unang babaeng pinaramdam na espesyal ka sa kanya
At ang unang babaeng pinaramdam ang tunay mong halaga,
Kaya sa babaeng minahal ko noon
Hayaan mo akong ipagmalaki ka sa mundo
Ipagmalaki sapagkat iba ka sa lahat nang nakilala ko
Kaya pangako ko sayo
Ikaw ay aking iingatan
Kahit hindi na kita mahagkan
Aalagaan kita kahit na di na tayong dalawa
Ipaparamdam na espesyal ka higit pa sa lahat
Mamahalin hanggang sa aking makakaya
Sapagkat ikaw ang una't huli
Una't huling nagparamdam sa akin ng totoong pag ibig
Una't huli kong mamahalin
Kaya't sanay iyong pagkaingatan
At lalo pang pag tibayin ang yong sarili dahil kung mawawala ka ulit sakin di ko na kakayanin.
Ikaw ang Una at sana ikaw nalang ang huli.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now