Pandemya

48 2 0
                                    

Pandemya

Marami ang walang alam
Marami ang walang pakelam
Kaya kaibigan pakinggan at pag isipan ang mga dapat mong malaman
Gumising ka sa katotohanan
Imulat ang mata para makita ang mga tao ay sumusuway na
Wag natin sisihin ang presidente
Wala siyang kinalaman dito ang mga tao mismo ang tanungin mo
Dahil sa walang disiplina ang mga tao
Nandadamay nanaman ang  mga pilipino
Masyado na daw marami ang mga tao sa mundo,
Kailan ba matatapos ang crisis na ito halos ilang buwan na tayong parang hayop na nagtatago sa kung saan
Hindi mo ba naiisip kung ano ang buhay sa labas,
Hindi mo ba namimiss ang sariwang hangin na pwede mong malanghap
Alam mo hirap nako!
Hirap na hirap na tayo!
Yung sweldo ng magulang ay sakto lang sa pangkain ng ilang linggo, minsan wala pang sweldo at kailangan maghintay dahil sa sakit na to
Paano na ko?
Paano na tayo?
Pano na ang pamilya ko?
Pano na ang mga tao sa mundo?
Gutom nako at trabaho ang kailangan ko
yan ang sigaw ng mga nangangailangang tulad ko
Kaya minsan humihingi nalang ako ng tulong sa panginoon
gabayan ako
gabayan ang pamilya ko
gabayan ang mga tao na wag mahawa sa sakit na ito
Sa mga taong nagseserbisyo upang labanan ang sakit nato
Na kailangang ibuwis nag buhay kahit ang sweldo nilay hindi sapat
kaya dunog ng mga tao na ibigay ang dapat sa mga nararapat makakuha ng dapat para sa kanila
sa maliit na pakiusap na ito na magtulungan, makiisa, makisama para ang mundo natin ay maligtas sa sakit na korona.

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now