Pangako

41 1 0
                                    

“anuman ang mangyari, hihintayin parin kita mahal, sana naman hindi moko pinaasa.” yan ang huling mensaheng pinabasa, at nagdadasal na sana ay di mo binalewala.
oo, mahal parin kita at ako naman tong si tanga na naniwala sa mga katagang, “mahal din kita”.
noong sinabi mo yun, grabe ang saya.
di maalis sa labi ko ang mga ngiti dahil sa sobrang tuwa. pinagmayabang ko sa iba. “oo, kami na!” yan ang nasabi ko nang ikwento ko sa kanila ang nangyari sa ating dalawa.
akala ko masaya na, akala ko perfect na.
hangga’t sa isang araw, wala.
nawala ka na naman na parang bula.
nawala ka na naman na parang hanging dumaan nalang bigla.
anong nangyari sa pangakong binitawan mo nuong masaya pa tayong dalawa? anong nangyari sa pangako mong “gagawa ulit tayo ng bagong simula”?
nanliliit, natutulala.
anong nangyari sa pangako mong “tayong dalawa ay magiging masaya”? iniwan moko sa ere na parang ganun lang kadali bitawan ka.
pagod na pagod na akong umasa pa. pagod na pagod na’kong maghintay sayo mapagabi man o umaga.
pagod na pagod nakong marinig ang mga pangako mong wala namang ka-kwenta-kwenta.
sa sandaling ito, ako’y natauhan. hindi nako basta maniniwala sa mga pangakong iyong binitawan.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon