Nasan na ang dating ako?

21 2 0
                                    

Nasan ka? nasan na ang dating sarili?
tila hangin na naglaho bigla
sa bilis ng panahon
at pag lipas ng taon at minuto
masasabi ko bang ako'y natuto?

Nasaan na ang dating ako?
lulubog at lilitaw
malimit na ako'y malito at malimit na ako'y maligaw
habang ako'y unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo

Nabuhay sa panahong puro gulo at kritiko
naglalakad sa gitna ng maliit na espasyo ng kamalayan
nanahimik at nagiisip
nagbibilang ng sandaling malabong maulit at di kailangang matulin baka mahulog sa patibong ng pagsubok

Nasaan na ang dating ako?
mga kinigisnang bagay ay unti unti ng iniiwan sa nakaraan
niyapos ng modernong mundo
binuksan ang pinto ng bago at pagbabago
sa huli, kilala ko pa ba ang sarili ko?

Nasan kana?
Nakakabingi ang iyong katahimikan
nasa huli daw ang pagsisisi
nasan na? nasan kana?
aking sarili? babalik ka pa ba?

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now