Anim na bote ng alak

11 0 0
                                    

Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang mga luhang kailangan ko ng ilabas
Luhang ikaw mismo ang nagdulot
Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling sa aking mata

Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot
ikaw den ang dahilan bat ako humantong sa ganto

Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka
Sa mga parke na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais.

Sa anim na bote ng alak, tinapos kita.

Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig

Totoo, nanlamig ka
Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak
Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan
Oo, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na.

Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam

Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka
Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan
Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay
Sinanay ko ang sarili
Pero higit sa lahat, sinanay mo ako

Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling

Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba
Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura
Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga,
"I love you" sabi mo, pero sinungaling ka
kung totoo ka di mo magagawa

Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin

Ako ang iyong tahanan
Pero pinili mo ang lansangan
Lalo na sa piling ng iyong tinulugan

Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala

Pinili mong limutin ang ating mga sarili
Pinili mong maging bulag upang di ako makitang nasasaktan
Pero tang ina ka
Sana naging bulag ka na lang talaga

Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban

Ipinaglaban kita,
Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin
Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko
Ipinaglaban kita sa buong mundo
Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo
Gawin mo para sa'yo

Sa anim na bote ng alak
Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili
Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi?
Ikaw ba? Sila?
Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako!
Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay
Dahil sa huli
Ako ang nagmahal, hindi sila
Ako ang nasaktan, hindi sila

Sa anim na bote ng alak
Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili mong wasakin

Tagalog PoetryWhere stories live. Discover now