Ang dami ko nang nagawang tula,
Pero masasabi ko na isa ito sa paborito kong nagawa,Bumalik tayo sa oras,
Sa oras na nakalipas,
Habang ako'y naglalakbay,
Nakita ko ang mga panahon na ako'y sumablay,Natawa nalang ako sa aking nakita,
Nadinig ko ang mga mapapait at matatamis na salita,
Nakita ko ang mga taong humulma sakin,
Nais ko sana silang tanungin.Ngunit hindi sapat ang aking oras,
Sa oras na lahat ng larawan ay nagsimula ng kumupas,
Nakita kita na paparating,
Hindi ko napigilan na tumitig at mapatingin.Oo itong mga matang ito napatitig sayo,
Sabay bulong sa hangin na sana maging tayo.Requested by : jxnxl_09
YOU ARE READING
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.