Dito na lang muna ako
Sa dati nating mundo
Hihintayin ang pagbabalik mo,
Kahit parang imposible nang mangyari pa ito
Dito na lang muna ako at hindi muna tatakas
'Di pa ako handang ang lahat ay magwakas
Ayaw ko pang ikaw ay maging nakalipas
Kaya aasa pa rin ako na babalik ka na bukas
Dito lang ako sa mundo ng ating mga alaala
Babalikan ang bawat detalye kung paano kita nakilala
Iisipin kung paanong ang lahat ay nagsimula
At hahanapin ang rason kung bakit bigla kang nawala
Dito na lang muna ako
Sa dati nating tagpuan
Babalikan ang ating nakaraan
Paulit-ulit na tititigan ang iyong mga larawan
At walang sawang papakinggan
Ang mga kantang nilalahad ang ating samahan
Wala munang wakas, hangganan at katapusan
Dahil umaasa pa rin ako na muli itong masusundan
Dito na lang muna ako
At hindi ka na muna lilimutin
Ako man ang papipiliin,
Ikaw pa rin ang aking patuloy na mamahalin
Dito na lang muna ako
Para kung sakaling magbago ang takbo ng iyong mundo,
At mapagtanto mo na nais mong bumalik sa piling ko,
Alam mo kung saan hahanapin ang pusong nananatiling sa'yo
Nandito lang ako,
Sa dati nating mundo
Hinihintay ang pagbabalik mo
Kahit parang imposible na,dito na lang muna ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/151368585-288-k755571.jpg)
YOU ARE READING
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.