Ang tala, buwan, araw at ang ulap

22 0 0
                                    


Ikaw ang aking araw.
Dahilan ng liwanag sa mundo kong gumagalaw.
Kilig ay umaapaw.
At ang sinisigaw ng puso ko'y ikaw.
Pag sapit ng gabi, tinitingala ko ang mga bituin.
Iniisip na sana ako'y iyong mahalin.
Dahil masakit para saakin
Na hindi ako yung iyong piliin.
Sa langit na binabalot ng mga ulap.
Ikaw ang lagi kong hinahanap hanap.
Umaasang sana ako na lang ang iyong kayakap.
Sana malaman mong iyon lang ang aking pangarap.
Liwanag sa aking gabi ay ang buwan.
Ang hirap din pa lang pigilan
Nang sakit na nararamdaman ko nung ako'y iyong talikuran.
Pero tandaan mo, andito ka lang palagi sa aking puso't isipan
Ako ang magsisilbing araw, buwan, bituin at ulap sa malamig mong gabi.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon