May gusto akong tao
Gusto ko siyang mahalin ng totoo
Pasayahin kapag siya'y nalulungkot
Papawiin ang sakit at kanyang takotPero imposible siyang maging akin
Dahil malabo niya ata akong mapansin
Palihim kung ako sa kanya'y tumingin
Hinihiling na sana ay kanyang pansininHi Crush! May girlfriend ka na ba?
Pag ba lumingon ka, akin ka na?
Hindi ka magsisisi kapag ako ang pinili
Hindi ka paiiyakin, hahanapin ang kilitiKung may girlfriend ka na ay tatanggapin ko
Pagdarasal ko nalang na sana'y maghiwalay kayo
Masama man ang intensiyon, pero ito ay totoo
Nagsusumamo ang puso, tinitibok nito'y pangalan moItitigil ko na itong aking kahibangan
Susubukan ko nalang maghanap ng ibang libangan
Aasa pa ba ako na ikaw sa aki'y magkakagusto?
O ititigil ko na ito dahil malabo ang maging tayo?
CZYTASZ
"Tula Para Kay Crush"
PoezjaThis is a confession and a collection of my feelings about my crush. A poem made by my emotions.