"Kwento"

40 2 0
                                    

Gaano nga ba kahalaga ang mga komento?
Komento na nanggagaling sa bibig ng mga tao.
Na madalas lang mapansin, ang mga negatibo.
Mapanghusgang mga mata ng mga tao.

Lumalabo na ang aking mga mata,
Hindi na malinaw ang aking nakikita.
Dito sa mundong mapanghusga,
Mabuti na nga sigurong maging bulag ka.

Bulag sa katotohanan na okay ka.
Bulag sa katotohanang masaya ka.
Bulag sa katotohanang buhay ka.
Dahil ang totoo, patay ka na talaga.

Iba ang sakit na aking nadarama.
Hindi ko na ito kinakaya.
Minsan pinipili ko nalang mapag isa,
Pero ang totoo, kailangan na kailangan kita.

Nasaan ka na ba?
Busy ka parin ba?

Sabik na akong mag kwento sa iyo.
Sabik na akong malaman mo.
Ang dahilan ng kalungkutan ko.
Kung bakit malungkot ang mga mata ko.

Pagod na ako. Gusto ko na sumuko.
Sa laban na ito, alam kong hindi ako mananalo.
Dahil ang sarili ko ay mahirap kausap.
Ang mukha ko nama'y magaling magpanggap.

***
May pinagdadaanan ka ba? Gusto mo bang pag usapan? Tara, kape tayo? Pag usapan natin ang silbi natin dito sa mundo 😅

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now