Bagong Pag-asa

40 3 0
                                    

Natapos ang school year ng malungkot,
Sapagkat pangarap ko ay hindi naabot.
Umasa ako noon, na bago matapos ang taon,
Kaming dalawa ni crush, kami na sana ay mag-ON.

Heto na naman ako, gumawa na naman ng tula,
Nag eeffort sa taong, ni hindi ako matignan sa mata.
Ginagawa ko naman ang lahat, mapansin mo lamang,
Ngunit lahat ng ito ay nauuwi sa "wala lang"

Napansin mo ba ang aking pagbabago?
Nagpapaganda ako, para sana mapansin mo.
Ang aking karibal ay umaarangkada,
Natatakot akong baka maagaw ka niya.

Crush? Bakit ang hirap mong amuhin?
Lahat na ata ginawa ko, para lang magpapansin,
Wala ka ba talagang pagtingin sa akin?
Sabihin mo naman, kahit ito lamang ay katiting.

Sabi ng kaibigan ko ay gumanda daw ako,
Hindi ko na daw kailangan ng make up para mapansin mo.
Ngunit ang mga mata mo ata ay malabo?
Nasa harap mo na nga ako, sa iba parin nakatitig mga mata mo.

Nakakapagod, nakakasawa, nakakalungkot.
Lahat ng effort ko, mauuwi lamang sa isang bangungot.
Bangungot na kahit gising ka, ay makikita.
Makikita na ikaw ay masaya na sa iba.

Bagong pag-asa, yan ay para sa akin.
Pinaasa mo ako dahil ako sayo'y may pagtingin.
Bubuksan kong muli ang aking puso,
Sisiguraduhin na hindi na ikaw ang tinitibok nito.

Isang taon na katangahan, nauwi lamang sa kasawian,
Umalis, umiyak, nauwi ang lahat sa inuman.
Natapos ang katangahan, ngayon ang puso'y sugatan,
Pahingi nga ng band aid, upang sugat ko'y matakpan.

Ititigil ko na ang kahibangan, panigurado bukas makikita ka na naman.
Sana ay malimutan na kita, upang bagong pag-asa ay makita.
Hindi na sa iyo nakalaan ang aking mga mata,
Sapagkat simula bukas, puso ko sa iyo ay sarado na.

"Tula Para Kay Crush"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang