Dear Heart, Get Well Soon

85 2 0
                                    


Ngayong araw ay magkukwento ako.
Susubukan kong ikwento ang buhay ko.
Mga taong nagtatanong kung broken ba ako?
Kung bakit panay daw ang hugot ko.

Well, simpleng babae lang naman po akong nasasaktan.
May damdamamin at marupok din ang aking kalamnan.
Umasa, nagmahal at paulit ulit na nasasaktan.
Nababalot ng takot sa mundong puno ng kasinungalingan.

Ngunit hindi mo mababatid ang lungkot ko.
Sapagkat ako ay isa ring manloloko.
Manloloko sapagkat lahat kayo ay nalilinlang ko.
Nalilinlang na ako ay masaya at sa aking buhay ay kuntento.

Minsan na rin akong nagmahal ng totoo.
Akala ko, siya na talaga ang bubuo sa pangarap ko.
Ngunit, isa rin pala siyang manloloko.
Biniyak niya ang pusong binigay ko ng buo.

Masisisi mo ba ako?
Kung takot na akong magmahal ng totoo?
Kung may dumating man, iniisip ko na ay manloloko.
May gamot pa ba sa sitwasyon kong ito?

Ngayon, ako ay muling magmamahal.
Sa taong, hindi naman ako ang mahal.
Umaasa na sana dumating ang panahon na mapansin.
Kahit bilang kaibigan lang, ito ay tatanggapin.

Salamat sa iyong pagbabasa.
Nawa'y hindi ka magsawa sa pagsuporta.
Patuloy mo sanang subaybayan.
Ang mga tula kong pinaghihirapan

***

"Tula Para Kay Crush"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora