Uncrush?

40 6 0
                                    


Hi crush! Nakita mo ba My Day ko?
Pinost ko lang naman, picture ng crush ko.
Ang crush na alam kong hindi mapapasakin,
Pero pangarap ko na sana'y maging akin.

Yung picture natin na nakatago parin sa phone ko,
Hindi ko kasi alam kung pwede bang ipost ito.
Baka marami mag react, dami ko kasi kaagaw sa iyo.
Kaya heto, hanggang My Day nalang ang nagawa ko.

Hindi ko alam kung paano kita i-un-crush.
Kapagod narin pala, sawa narin ako sa rush.
Minamadaling mga oras, minamadaling mga panahon.
Kahit alam naman nating, tayo'y hindi mabibigyan ng pagkakataon.

Wala na nga ata akong feelings para sa iyo.
Kasi naman, hindi na ako kinikilig kapag ako'y kausap mo.
Naging manhid na nga ata itong puso ko.
Pagod na sa kahihintay, kung ikaw ba'y liligawan ako.

I-lelet go na kita crush, handa na ako.
Masaya na din kasi ang puso ko.
May iba na kasing nagpapakilig, pinahahalagahan ako.
Kaya heto, ang status kong single ay malapit na atang mabago.

***
Ang tagal ko nakapag update, pasensiya na sa mga nag-aabang ♥️♥️♥️

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now