Ito na ang gabi na pinakahihintay
Ang gabi na mahahawakan ko ang iyong mga kamay
Ang kamay na matagal ko nang ninanais
Sabik na sabik, wag ka lang sanang maiinisDahan dahan akong lumapit at hinawakan mo
Ang kamay ko ay sinlamig na ng yelo
Ngunit nag iinit sa kilig ang aking puso
Hinihiling na sana ay tumigil muna ang mundoIkaw ay akin sa gabing ito
Sasamantalahin ang oras ng buong buo
Dahil alam kong bukas tapos na tayo
Mga pinagsamahan natin ay maglalahoSa sandaling oras ako ay napasaya mo
Ipinaramdam mo sa akin na ako ay mahal mo
Ngunit pagdilat ko bigla ka nalang naglaho
Panaginip lang pala ang lahat ng ito
YOU ARE READING
"Tula Para Kay Crush"
PoetryThis is a confession and a collection of my feelings about my crush. A poem made by my emotions.