#Walang Pasok

104 4 0
                                    


Tatlong araw kitang hindi nakita
Sabi kasi ni mayor, ang klase ay cancel muna
Baha daw kasi ang eskwela at kalsada
Baka daw magkasakit ang mga bata

Bukas hinihiling ko sana ay may pasok na
Dahil sabik na sabik na akong makita ka
Kahit sulyap lang, ako ay masaya na
Makita ka lang ang araw ko'y buong buo na

Hindi ko maiwasan ang aking nadarama
Pakiramdam ko ay mahal na ata kita
Hinahanap kapag hindi ka nakikita
Nalulungkot ako kapag nag aabsent ka

Sana dumating ang araw na maka group kita
Para may pagkakataon akong makasama ka
Buti pa ang project natin unti unting nabubuo na
Pano naman kaya itong aking pusong nahihirapan na?

Ang hirap pala magmahal ng palihim
Nalulunod ako sa sobrang lalim ng aking pagtingin
Hirap huminga, nauubusan na ng hangin
Kailan mo kaya ako sasagipin?

"Tula Para Kay Crush"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon