Wala na, finish na. May nanalo na!

35 4 1
                                    


Hindi ko maintindihan, bakit bigla nalang tayong nag iwasan.
Hindi na kita madalas makita, pakiramdam ko tuloy umiiwas ka.
May nagawa ba ako? Upang tayo ay humantong sa ganito?

Ay teka lang, wala nga palang TAYO.

Noon, bawat post ko pinupusuan mo,
Ngayon, post nalang niya napapansin mo.
Pinusuan mo na nga, nagcocomment ka pa,
Sabagay, hindi mo naman alam na may nasasaktang iba.

Siya na ba ang pinipili mo? Talo na ba ako sa puso mo?
Wala na, finish na, may nanalo na nga ba?
Ako na naman ba ang hindi mag uuwi sa corona?
Pag uwi ko neto, iiiyak ko nalang sa kama.

Tama nga sila, hindi na dapat talaga ako umasa.
Totoo nga ata ang hinala nila, na ikaw ay isang paasa.
Pinakikilig mo ako, yun pala ganoon karin sa iba.
So sinong may kasalanan? Siyempre ako na nagpaka tanga.

Hindi ko alam kung may kasunod pa itong aking tula,
Pakiramdam ko kasi, nawawalan na ako ng gana.
Kung hindi ka man para sa akin crush, tatanggapin ko na.
Hiling ko lang na sana hindi kayo maging masaya.

Charot lang crush, kung masaya ka na talaga.
Ipauubaya na kita sa kanya.
Baka sakaling ayaw mo sa maganda,
Mga hilig mo'y pang exotic beauty pala.

Ang harsh ko dba? Pasensiya na pagkat ako'y selosa.
Naniniwala naman ako, parating narin ang taong sa aki'y magpapasaya.
Baka sakaling natrapik lang siya sa Edsa.

at kung sakaling dumating na siya, hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.


***
Pamamaalam na nga ba ito sa feelings ko para kay crush?
O baka naman marupok na naman ako pag bigla siyang nagparamdam?
Dear Self, be strong!

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now