Sinong marupok?

76 3 0
                                    

(Thursday)

Aaminin ko sa iyo, ako ay nagtatampo
Ikaw naman kasi, sinasaktan mo ako
Nagseselos ako, pagkat nasa iba ang attention mo
Hindi mo ba alam na bukas na ang operation ko?

(Friday)

Kinakabahan, natatakot yan ang nararamdaman ko
Hinihiling na sana ay ikaw ang nasa tabi ko
Hawakan mo kamay ko, upang takot ay maglaho
Iniisip na sana ay matapos na ang paghihirap kong ito

(Saturday)

Ang operation ko ay successful na
Natanggal na nila ang mabigat kong problema
Ang cellphone ko ay palagi kong dala dala
Naghihintay na baka sakaling, magchat ka

(Sunday)

Nakakainis ka talaga, bakit ba ang bilis kong madala
Nagchat ka at ang sabi mo lang ay "kamusta ka"
Ang puso ko nama'y nagalak, napangiti ako bigla
Nakalimutan ko tuloy ang sugat ko'y bukas pa

Sa mga ilang oras, ramdam ko ang iyong pag aalala
Sinabayan mo pa ng iyong simpleng pag aalaga
Sabi mo, ikaw nalang ang manggagamot sa sugat ko
Upang mabilis maghilom kahit sobrang lalim nito

Bakit ba marupok ako?
Bakit ba umaasa ako?
Bakit ba ikaw ang gusto ko?

Nakakainis ka sa mga panahong pinakikilig mo ako
Dahil alam ko na panandalian ang lahat ng ito
Matatapos ang gabi at kanya kanyang uuwi
Sigurado akong, ako lang ang uuwing sawi

Crush, wag mo naman akong paasahin
Kung gusto mo ako, bakit hindi mo pa aminin?
Hindi ka malulungkot, palagi kitang patatawanin
Hinihiling ko lang na sana'y maging tapat ka at ako'y mahalin

***
Thank you crush sa panandaliang saya. Kahit ang huling message ko sa iyo, ikaw ay seen na. At least kahit papano, napasaya mo ako, kahit sobrang hapdi padin nitong sugat ko.
Crush, aasa ako sa pagdalaw mo ah? Ikaw lang sapat na, kahit wala ka na bitbit na regalo 😁😅😄

"Tula Para Kay Crush"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon