Naging OPTION ka na ba?

86 2 0
                                    


Naranasan mo na bang maging option?
Yung feeling na pareho kayong masaya pero hindi kayo?
Yung akala mo mahal niyo ang isa't isa, pero pag aari siya ng iba?
Yung nabubuo ang araw mo kahit sandali lang naman kayong magkasama?

"Masaya ka ba?
Kaya mo pa ba?
Kuntento ka na ba?"

Kinukulit ako ng aking isip,
Ang isip ko na walang kamuwang muwang sa pait na sinasapit,
Ang puso ko na siyang tumatanggap ng lahat ng sakit,
Na hindi namamalayan na nadadamay na pala ang aking pag iisip

"Bakit nga ba masaya tayo?
Bakit nga ba nagiging tanga tayo?"

Mga katanungan na hindi masagot sagot,
Dahil kapag kasama ka'y hindi makaramdam ng lungkot
Ang puso ko man ay nababalutan ng takot
Pagkat sa relasyon na ito ako lang naman ang salot

Salot pagkat ako lamang ang panira
Panira sa mata ng mga chismosa
Chismosa na akala nila ay tamang hinala
Ngunit hindi nila alam ang tunay na nakatadhana

Masakit talaga ang maging option
Pagkat hindi magiging malinaw ang bawat sitwasyon
Gusto mo man umiwas pero wala kang magawa
Pagkat ang puso mo'y marupok sa kanya lang sumasaya

Patawarin mo ako, O aking puso
Palagi kang nasasaktan sa katangahan ko
Tulungan mo naman ako, O aking isip
Maliwanagan na sana ako at hindi mabulag sa aking kathang isip

***

"Tula Para Kay Crush"जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें