Teacher's Month

82 5 0
                                    

"Uy, absent daw si maam?"
"Bakit kaya wala si maam?"
"Nakakalungkot naman, wala si maam"

Yan ang mga salitang napakasarap sa tenga
Na para bang pinapatugtog ang paborito kong musika
Mga salitang bihira mo lamang marinig
Sa mga estudyanteng magiliw na nakikinig

"Bakit nga ba masaya kapag walang teacher?"
"Bakit nga ba nagbubunyi ang mga estudyante kapag wala silang klase?"

Sapagkat hawak nila ang oras upang magawa nila ang gusto nila
Makausap nila ng mas mahaba ang mga kaibigan nila
Makipag halo bilo sa iba pa nilang kasama
Higit na masaya nga naman kapag walang ginagawa

(on the other side)

Ang mga guro kaya, anong ginagawa kapag absent sila?
Masaya ba sila na hindi sila nakapasok sa klase nila?
Ano nga bang dahilan kapag absent sila?
Panigurado, ang mga dahilan na iyon ay napaka halaga

Kapag nag absent ang guro, mga estudyante ay masaya
Kapag pumasok siya, wala man lang "maam, kamusta ka?"
Samantalang kapag ang estudyante ay nagabsent
Makikita sa guro ang pag aalala, bakit kaya absent siya?

Sa panahon ngayon, mahirap na umasa
May mga estudyante pa bang may pakialam sa mga guro nila?
Ako, buong puso akong nagtitiwala
Nagtitiwala na ang mga estudyante ko, sa kanila ako'y mahalaga

Teacher's month na nga pala
Mga guro ay mabibigyan ng halaga
Sana hindi lang isang buwan ang celebration
Dahil we deserve more than the expectation

Mga estudyante kong makakabasa nito
Sana pahalagahan ninyo ang inyong mga guro
Sapagkat sila ay nag eeffort upang kayo ay matuto
Kapalit naman nito ay magandang kinabukasang naghihintay sa inyo

Kaya ikaw, pahalagahan mo ang edukasyon
Isipin mong ikaw ay giginhawa, sa hirap ay makaka ahon
Wag mo lamang kalimutan ang salitang Respeto
Higit itong mahalaga kaysa sa taong matalino, akala mo naman kung sino

***
Ang tula na ito ay naka ayon sa celebration ng Teacher's Month 😊 kung may mga estudyante man akong makakabasa nito, please comment naman kayo 😊 Thank You 😊

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now