Ang aking huling Tula

46 3 0
                                    

Ang tagal kong nawala, panigurado hindi mo ito nahalata.
Nagkasakit nga pala ako, panigurado hindi ka naman interesado.
Ang tagal kong nagkagusto saiyo, pero ngayon ako na ay susuko.
Bakit? Dahil simula sa una palang, alam kong malabong maging tayo.

Ang tagal kong di nakagawa ng tula, ang inspirasyon ko kasi ay nawala.
Pero teka muna bago ako mawala, ikukwento ko muna kung anong nangyare kung bakit ito nawala.

Ang saya ko noong pasko, sapagkat ikaw pala ang aking monito.
Grabe ang ibinigay mong effort, sa regalo na iyong ibinalot.
May pasupresa ka pa, ayun tuloy bigla na naman akong umasa.
Umasa ako na baka katulad sa kwento ng KMJS, mauuwi din tayo sa matamis na YES.

Finally, ikaw ang unang nag friend request, akala ko naman ikaw sa akin ay may interest.
Akala ko yun na ang simula ng ating kwentong pang KMJS, ngunit wish ko lang pala ang dapat panuorin ko besh.
Nagbakasyon ngunit hindi tayo magkachat, pasko, new year dun lang kita nakausap.
Natapos ang bakasyon at tayo'y muling nagkita, ang sarap nalang balikan ang mga naging alaala.

Nagbirthday ka, at ako'y iyong niyaya, nagulat ako dahil hindi ko ito inaakala.
Umasa na naman akong ito na ang simula, sapagkat sinabihan mo akong "salamat at ikaw ay sumama"
Ako na naman si tanga, muli na namang umaasa, sino ba naman ang makakatiis? Kung ang mga ngiti mo ay napaka tamis.

Ngunit, hindi natapos doon ang ating paglabas, dahil muli tayong kumain sa labas.
Nag samgy tayo kasama ang piling kaibigan, baka naman ako na ay iyong maibigan.
Nagkausap, nakakilanlan, nagkatuksuhan, nauwi lang ang lahat ng ito sa malabong usapan.

Malabo? Bakit malabo? Dahil siguro hindi mo naman talaga ako gusto.
Baka panandalian mo lang talagang pinaligaya ang aking puso.
Pero mas masakit pala pag ganito, yung patayin ang pag-asa na maging tayo.
Kaya sa susunod na ako ay magkakagusto, sana hindi na sa aking katrabaho.

Tatapusin ko na ang lahat dito, dahil sabi ng kaibigan ko kailangan ko na sumuko.
Isusuko ko na ang lahat ng nararamdaman ko sa iyo, dahil alam ko naman na malabo talagang maging tayo.

Paalam aking crush,
Salamat sa maikling panahon na inilaan mo upang pakiligin ako. Alam ko mahihirapan akong iwasan ka, sapagkat palagi tayong nagkikita. Pero wag ka mag-alala, kahit masakit hindi na ako kakapit. Dahil sa oras na ito, sigurado na akong ako na ay sumusuko.

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now