Is it True or False?

42 3 0
                                    

Tupperware, orocan, basurahan,
Yan na ang bagong tawag sa kaibigan.
Ano na nga bang nangyari?
Bakit sila naging makasarili?

Kasabay natin sila sa tawanan,
Pag alis mo ikaw na pala ang pinagtatawanan.
Wala na nga ba talagang mapagkakatiwalaan?
Sa mga taong, tinuturing kong aking mga kaibigan?

Pasensiya na kung ganito ako,
Hindi naman ako perpekto na tao.
Nagkakamali, katulad ng isang mangmang,
Pero hindi bulag na parang batang walang kamuwang-muwang.

Akala niyo ba hindi ko napapansin?
Mga tawa niyo na nakatuon sa akin.
Mga biro niyo na ayaw ko nalang pansinin,
Pero alam kong ito'y may kinalaman sa akin.

Sarado ang aking bibig, pero bukas ang aking mata.
Mga mata na siyang humuhusga, kung kaibigan ba talaga kita?
Kung kaibigan mo nga ako, bakit mo ako ginaganito?
Hindi mo ba alam? Nasasaktan ako.

Sana'y bago mo ako pagtawanan, alamin mo ang aking pinagdadaanan.
Baka sakaling maliwanagan, ang isip mong makitid na parang daan.
Patawarin mo ako, kahit hindi ko alam ang nagawa ko sa iyo.
Ang alam ko lang kasi, ay ipakita ang totoong ako.

Naging biktima ka na rin ba?
Mga kaibigan mong tinuturing mong barkada.
Pero kapag nakatalikod ka, ikaw na pala ang topic nila.
Ang sakit sa puso diba? Pero sila walang konsensiya.
Ang alam lang ata nila, ay makapanakit ng kapwa.

Kaya ikaw, wag kang maging bulag!
Tignan mo kung ang mga kaibigan mo kung sila'y tunay talaga.
Pahalagahan mo kung sino ang nagmamahal talaga sa iyo,
At ipagtatanggol ka hanggang dulo.

Pero ang totoo, nakakawalang gana na, ang hirap na magtiwala at alamin kung sino nga ba ang totoo.

***
Hindi ito tungkol kay crush. Sadyang nagdadalamhati lang ako kaya ito ang aking nagawa 😅

Ingat ingat po tayo, para hindi tayo masaktan.

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now