Kamusta ka? Kaibigan

80 4 0
                                    


"Nasaktan ka na ba?"
"Naramdaman mo na bang maiwanan?"

Tanong na madalas nalang tinatanong kapag ang kaibigan mo ay sawi.
Akala ata nila na ang mundo ay umiikot lang sa lungkot at pighati.
Na para bang wala ng naghihintay na bukas upang sila ay ngumiti.
Sarado ang kanilang isipan, iniisip lamang ay ang kanilang sarili.

Bes, kaibigan pa ba kita?
Pakiramdamdam ko kasi hindi mo na ako kilala.
Sa tuwing nagkikita tayo, puro ikaw ang bida sa iyong kwento.
Hindi ba pwedeng, ako naman?
May kwento din naman akong nakalaan.

Kamustahin mo naman ako, aking kaibigan.
Dahil ako, masaya ka man o malungkot, ako'y nandyan.
Inuman man o sa kapehan, ako'y perfect attendance.
Sana ako din, kapag tinawagan ka'y bigyan mo ako ng chance.

Malungkot ako ngayon, o aking kaibigan.
Pakiramdam ko, nalulunod na ako sa aking pinagdaraanan.
Wala na nga akong jowa, wala rin ba akong kaibigan?
Hinihingi ko lang na sana'y ako ay iyong pakinggan.

Isang yakap lamang, magiging okay na ako.
Maramdaman ko man lang na sa laban na to, hindi ako talo.
Hindi man ako pansinin o mahalin ng crush ko
Basta ba nandyan ka palagi para suportahan ako.

Masaya na ako 😊

***
Kaibigan nga lang ba sa tuwing kailangan? O kaibigan na kahit kailan walang iwanan?

Sorry po hindi tungkol kay crush ang tula ko ngayon 😁

"Tula Para Kay Crush"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon