Marupok ang Puso ko

68 5 0
                                    

"Tao po, Tao po"

Sigaw ng tao na nasa labas,
Dali dalian naman akong lumabas
Kumaway ka at ang ngiti mo'y abot tenga
Dala dala mo'y gamot sa puso kong umasa

Heto na naman ang marupok kong puso
Kinikilig sa muling pagdalaw mo
Yung tampo ko kagabi ay biglang naglaho
Napalitan ito ng ngiti dahil sa pag aalala mo

Wala mang isang oras ika'y nagpaalam
Ang sabi mo kasi, may iba ka pang dadaanan
Alam ko naman kung sino ang iyong pupuntahan
Masaya narin naman ako, dahil ikaw ay nasilayan

Hanggang ganito nalang ba talaga ako?
Hanggang ganito nalang ba tayo?
Wala man lang kasiguraduhan sa relasyon na to?
Magpapaka tanga nalang ba dahil sa iyo?


May promo ba para sa unli time? Unli love? Unli attention?
Makapag subscribe nga para ma achieve ko ang aking mission
Kahit isang araw lang, pahiram naman ng iyong attention
Hindi ka magsisisi dahil ang mahalin ka ang aking mission


Gusto ko na sumuko sa laban na ito
Dahil ako lang naman ang  nadedehado
Mahal mo siya pero mahal mo din ako?
Yung totoo? minahal mo ba ako? O panakip butas mo lang ako?

***
💔💔💔

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now