Feb-ibig ko sa iyo ay TRUE

30 3 0
                                    

Kamusta na ang puso mo?
Buo parin ba ito?
O baka naman nawasak na ng ibang tao?
Kamusta ka na? Gusto mo bang mag usap tayo?

Buwan ng Pebrero, ipinagdiriwang ang araw ng mga puso.
Panigurado ang iba ay marami na namang pakulo.
Bulaklak dito,tsokolate doon,teddy bear dito, dinner date doon.
Ubos ng isang araw,ang isang buwan nilang ipon.

Sa tuwing nakakakita ako ng mga post mula sa mga kaibigan ko,
Hindi ko maiwasan ang mainggit o kaya nama'y magtampo.
Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?
Bakit ba sa akin ay walang nagkakagusto?

Wala nga ba? O sadyang mapili lang talaga tayo?
Pinipili natin ang mga taong walang feelings para sa atin.
Pinipili natin ang mga taong hindi naman deserving.
In short, kasalanan natin kung bakit tayo SINGLE.

Ano nga ba ang batayan ng tunay na pagmamahal?
May criteria ba ito, upang malaman kung siya ba'y pasado?
May procedure ba ito,upang makapasok sa panlasa mo?
May manual ba ito,upang sumunod sa ayon na kagustuhan mo?

Wala! Wala! Wala!

Wag tayong mag ilusyon, na para bang isang teleserye ang buhay pag-ibig natin.
Wag tayong umasa na kasing gwapo ng mga oppa ang ating jojowain.
Kaya ka single e, kaya tayo single.
Dahil umaga palang, nananaginip ka na,ang mas malala, gising kapa.

Gising ka nga,bulag ka naman sa katotohanan.

Ikaw? Bakit ka nga ba single?
Umasa ka na rin ba sa crush mo na hanggang ngayon e,smile, hello lang ang inyong nagagawa.
Wag na bes,beshie,girl,sis.tol,pre,bro. move on na tayo.
Baka ang forever natin,ay katabi lang pala natin. subukan mo rin kasi siyang pansinin.
Malay mo naman,parehas kayo ng feelings.

×××
Baka naman pwedeng paki pusuan mo ito.

"Tula Para Kay Crush"Where stories live. Discover now