Aaminin kong nalulungkot ako
Dahil umasa ako sa pagdating mo
Luha ko ngayon ay hindi ko mapigilan
Puso ko na naman ay nasaktanNaghintay ako hanggang alas otso
Sabi mo kasi pupuntahan mo ako
Ang ngiti ko abot hanggang noo
Naghihintay parin kahit anino moSabi ko na nga ba at hindi ka darating
Bakit ba kasi ako umasa na parang kuting?
Pahingi nga ng siopao na ang palaman ay asado
Baka sakaling magamot nito ang nagdurugo kong pusoTanggap ko naman na option ako
Na wala akong karapatan sa iyo
Pero bakit nasasaktan ako?
Ano nga ba ang label ko sa iyo?Paano kung ako ang una mong nakilala?
Paano kung ako ang una mong nakita?
Paano kung ako ang una mong minahal?
Maari ba tayong mauwi sa kasal?Sana ako nalang talaga,
Sana ako nalang ang nauna,
Sana hindi mo nalang siya nakilala,
Baka sakaling ako lang ngayon ang iyong sinisintaLumuluha ako at hindi ko mapigilan
Epekto ata ito ng bagyo at malakas na ulan
Patawarin mo ako kung minamahal kita
Ang hirap kasing turuan ng puso kong limutin ka***
Ang hirap magmahal ng may ibang minamahal, ang hirap din turuan ng puso para ito ay iwasan. Tao lang naman din tayo dba? Hindi perpekto at marupok ang ating puso.
YOU ARE READING
"Tula Para Kay Crush"
PoetryThis is a confession and a collection of my feelings about my crush. A poem made by my emotions.