Nagpunta ako sa mall at nakita kita
Biglang nagliwanag aking mga mata
Wala kang kasama, ikaw lang mag isa
Nagmamadali akong lapitan ka sana"Babe" bigla kong narinig
Familiar ang narinig kong tinig
Biglang tumigil ang oras at daigdig
Nang kayong dalawa'y mag kapit bisigUmuwi na naman akong umiiyak
Kasabay ng ulan na sa langit pumapatak
Ang puso ko'y umuwi na namang wasak
Pagkat nakita ko ang kamay mong may ibang hawakBukas panibagong araw na naman
Aasa na naman ako'y iyong maramdaman
Paano mo nga naman ako mapapansin?
Kung ang mga mata mo ay sa kaniya lang nakatinginDarating din ang araw na maglalakas loob ako
Umamin sa kung ano man ang nararamdaman ko
Sa ngayon, hayaan mo munang ako'y sayo magkagusto
Kahit na alam kong malabo talagang maging tayo
YOU ARE READING
"Tula Para Kay Crush"
PoetryThis is a confession and a collection of my feelings about my crush. A poem made by my emotions.