Na Gerald ka na ba?

50 4 0
                                    

Na Gerald ka na ba?

Yung akala mo ikaw lang, tapos may iba na pala siya.
Yung akala mo sweet siya, pero sweet din pala siya sa iba.
Yung akala mo okay kayo, pero mas okay pala ang may extra.
Yung minahal mo ng sobra, pero siya may minamahal din palang iba.

Ang sakit noh? Pero ginawa mo.

Pagmamahal.
Sampung letra ngunit kapag tinamaan ka, mayayari ka na.
Sampung letra pero kahit mga matatalino ay nagiging tanga.
Sampung letra pero mga mata mong malinaw nagiging bulag pa.
Sampung letra na kaya kang paluhain kahit manhid ka na.

Issue.
Diyan tayo nagsimula, matatapos din lahat na parang isang bula.
Inasar lang tayo nung una, pero pagtingin ko pala'y lumalalim na.
Nafall na ako sa iyo, sa iyo na maling tao pala.
Sabi ko sa sarili ko na tama na, pero puso ko'y marupok parin pala.

Blocked.
Diyan natin tapusin ang ating tula.
Sapagkat ganyan ang gagawin ko para ako'y hindi na lumuha.
Titiisin ang sakit na iyong ginawa.
Pag gising ko bukas, lahat ng sakit ay pipiliting mawala.

"Tula Para Kay Crush"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon