Phase 3

116K 4K 1.1K
                                    

Phase 3

I tucked my pencil behind my ear, kinagat ko ang takip ng paint pen para mabuksan iyon. Hindi ko halos maigalaw ang isa kong kamay dahil sa mabigat kong mga dalahin, my right arm were hugging canvas boards. I scrunched my nose while looking at the small card on my locker's door, nakadikit iyon gamit ang isang maliit na bubble gum na tila kurot lamang.

How rude, Corvi Martinez! You're dead!

Hi! Have a good day, miss painter. :)

Si Corvi lang ang tumatawag sa akin ng ganito at mahilig nga siyang kumain ng bubble gum, hindi na ako maghahanap pa ng ibang pagbibintangan kundi siya lang.

Umusok ang ilong ko, gamit ang paint pen ay nagsulat ako sa espasyo ng card sa ilalim.

Hi your face, alisin mo 'to dito! Kadiri >:(

Iniwanan ko ang locker na may ganoong nakadikit doon, huminga ako ng malalim at naglakad na sa hallway. Students are busy with their own worlds while walking around, ang ilang nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin pero nagdidiretso lang ako sa paglalakad. Sa kahabaan ng hallway nakapila sa magkabilang gilid ang student lockers.

I was struggling with these boards, mapayat lang ang braso ko kaya hindi ko makaya na isang bitbitan lang pero tiis nalang talaga. Inayos ko ang pagkakayakap doon at mas hinila ko rin ang strap ng backpack ko sa balikat, my sweating forehead felt stinky. Ganoon din ang pawis na nag uumpisa ng mabuo sa aking leeg.

Bahagyang napabagal ang paglalakad ko nang makita ko si Elos Villareal na nakatayo sa tapat ng ilang lockers sa gilid, kasama ang kanyang mga kaibigan at panay ang tawanan sa pinag-uusapan. Elos was holding the strap of his Adidas backpack on his right broad shoulder, he's wearing his daily uniform which is for Aeronautical students only.

Siya ang naiibang uniporme sa mga kaibigan na batid kong mga Business students naman, kumbaga tipikal na iyong kurso ng mayayamang lalaki rito. Hindi gaya ng kursong kinuha ni Elos, ang alam ko ay ganoon din ang kurso ng kapatid niya na nasa mas mababang taon naman sa kolehiyo. Nakikita ko rin kasi iyon kapag nadadaan siya sa hallway ng aming building. Compared to Elos, his brother isn't always with friends. Kung makikita ko man ay parehas din na mga kaibigan ang nakakasama, gaya noong Legaspi.

Speaking of that Legaspi with devilish look, ngayon ko lang napagtanto na siya pala iyong minsan kong nakitang hinahalikan ni Iya noon pero umiiwas sa kanya. I didn't really care about my friend's dates, kaya hindi ko rin napagtutuonan ng pansin ang mga lalaking umaaligid sa kanila.

"Can you take a pre-nup photoshoot for my sister, pre?"

Elos shrugged slightly same time as his left brow arched up. "It's just fine, kailan ba?"

Huh? Photographer ba siya?

"Great! Maybe this week? Hindi ka ba busy?"

Elos gazed at his black wristwatch and his tongue played inside his bottom lip a bit that made me look away in burning cheeks.

Mannerism niya ba iyon? Tuwing makikita ko siya ay parating may gawaing ganoon! Nakakairita lang!

"Alright, free time. Saang place?"

Natuwa ang kaibigan niya at tinapik siya sa balikat.

"San Pedro, tol. Pero may isang private beach din silang gustong magpakuha ng photoshoot. Around Los Baños lang naman, is it okay to road trip?" tawa noon.

Lumunok ako at sumimpleng sulyap ulit sa kanilang gawi, halos masamid ako nang makita kong nakalingon na siya sa aking daan. His lips were already upright in a playful manner, nang magtama ang tingin namin ay napanguso siya at bahagyang tinagilid ang kanyang ulo upang panuorin pa ang paglalakad ko.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon