Phase 45

109K 3.8K 2.6K
                                    

Walang ud bukas. Thanks.

Phase 45




"Troilus, we'll visit my friend today." I said while putting him a white polo shirt.

Troi is turning six, I'll just count the days from this day and on until October 18. Kahit wala pa sa anim na taon ay higit na mas malaki at matangkad ang kaha niya kesa sa ibang batang lokal ng La Guanza, kahit mas matanda sa kanya. Sa isang daycare center siya nag-aaral, maliit na eskwelahan at sapat para sa mga batang nasa edad lima pataas.

Si Troilus ang pinakamatangkad sa mga batang nag-aaral doon kaya napagkakamalan siyang huli sa pag-aaral dahil sa kanyang kakulangan. It hurts, knowing he has disability to see will give him that title, just like that. Though, he's the most intelligent in their class, pinalaki ko siyang normal kahit walang paningin. Nagsusulat sa normal na papel at normal makisama sa lahat. He was not actually blind, according to Saint. Masyado lang malabo ang paningin niya na kalaunang napunta sa kadiliman.

"Who's friend, Mama?"

"'Di ba nakuwento ko sayo noon, na may kaibigan ako sa Manila? Matalik na kaibigan ko, Troi. She saved us from the accident, but you were just inside my tummy when that happened. She's your Tita Chi."

Tumango siya at nagkibit balikat.

"That means, we'll visit your Mommy and Daddy, too? You told me they're living in Manila, right?" nababagot niyang tanong, kumamot siya sa kanyang kilay habang sinasara ko ang ilang butones ng polo niya. "Tito Oswald said you don't wanna meet Daddy's parents now. I understand that, Mama. And now, we'll pay a visit your friend. Please, let me know my grandparents. Your parents."

Damn.

Pasimpleng nagbuntonghininga hininga ako upang hindi ipahalata ang frustration.

"W-We'll try..." pampalubag loob ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano babalik, hindi ko alam kung paano uumpisahang magbalik hangga't hindi ko pa nabubuo ang mga gumugulong alaala sa memorya ko. Hangga't hindi pa kumpleto ang mga taong nasa memorya ko ay mahirap pa para sa akin ang lahat. Every night, memories are haunting me like crazy. Ang hirap-hirap pagsama-samahan noon upang mabuo ang lahat.

Hindi na siya nagsalita.

Memories are slowly coming back one by one, teenage life to college years... memories about friendship, courtships, my passion in painting, a family that got separated from each other... 

Names...

Kumurap-kurap ako nang umalis si Troi sa aking harapan para tumungo sa kabilang sofa, tinawag niya ang tutang alaga sa loob ng bahay at tumalon iyon sa kanya kaya napatawa siya. Nag-umpisa siyang makipaglaro roon.

Wala sa sarili akong tumungo kay Oswald, he's playing some computer game on his laptop. Napatingin siya sa akin at agad hininto ang paglalaro, nagtaas ng kilay.

"C-Can I borrow that for awhile? May titingnan lang ako..."

Ngumuso siya at tumango.

"'Tsaka 'yong F-Facebook mo, puwede ba akong mag search?" tanong ko habang nauupo na sa kanyang pinagtayuang upuan.

He chuckled. "You remember some name again? Go on, Met. Just use what you need there. I hope mayroon ng last name iyong mga naalala mong pangalan."

Tatawa-tawang lumipat siya ng upuan sa kabilang gilid para kumain ng tinapay at magcellphone na lang, huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya bago nagtuon sa laptop.

That name just flashed in my dream last night, I was writing his name at the back of the painting I truly admire. It was a back view of some man, I don't know.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon