Phase 25

90.1K 3.1K 1.7K
                                    

Ang saya koya wil, kokak.


Phase 25


I smiled slightly at the camera with my painting behind me, pagkatapos ng ilan pang litrato kasama si Mommy sa aking tabi ay nilingon ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Congrats, honey!" she said merrily, her eyes were shimmering brightly in happiness for me.

My painting was being nominated by Artemis Go on her art exhibit this year, in House of Artemis. One of the famous Art galleries in Manila. Isa ako sa limang masuwerte niyang napiling painting sa Wall of Seascape ng aming school nang minsan siyang maging judge ng painting competition last month, gulat na gulat pa ako noong una dahil sa balita ni Mrs. Cortez na isa ako sa napili.

It's already an achievement to be in House of Artemis gallery, ang pinta pang napili niya ay simpleng piece ko lamang sa taong ito.

"Thank you, Mommy!" maligaya kong sinabi, naiiyak na ako habang niyayakap si Mommy dahil sa tuwa.

Seeing her this proud is a huge success in this life.

Lumapit si Eero sa amin dala ang kanyang camera at ilang beses kaming kinuhanan ng litrato, ang labi niya ay nakangising aso kaya mabilis ko siyang nilapitan para harangan ang camera at hawiin. Humalakhak siya sa ginawa ko at binaba na ang camera niya, his hand instantly wiped my tears.

I pouted slightly. He smirked while looking at me.

"Congrats—"

Napatili ako nang mabilis akong dambahan ni Cheena at yakapin ng sobrang higpit na may kasama pang paghila-hila.

"My gosh! I'm so happy for you, Met! Congratulations! Dahil diyan, tara na sa Sala Bistro! Sagot ko na lahat!" she said excitedly.

Agad tinakpan ni Eero ang bibig ni Cheena.

"Tone down your voice, Chi. Gallery ito." singhap ni Eero sabay bitaw kay Cheena. Umismid si Chi at pinahiran ang labi niya.

"Pwede mo namang sabihin! Kailangan ihawak pa sa bibig ko? Damn you, kakaihi mo lang bago pumasok dito!" Cheena hissed.

Ngumisi si Eero. "May sanitizer doon, huwag kang OA."

Napalinga ako sa paligid, sa amin lamang ang maingay na banda. Ang iba ay tahimik na nagkukuhanan ng litrato, ilan ang napapatingin sa ingay ni Cheena. Napailing na lamang ako.

"Mauna na kayo, susunod ako." sambit ko.

Mom smiled at me. "Pupunta raw ba ang dad mo?"

"H-Hindi, po."

I told Dad about this exhibit but he already left for Italy with Chelle for Antonia's winning celebration, she won an award again. My heart clenched, ngumiti ako kay mommy nang makita ang paglungkot niya habang nakatingin sa akin. I gave her an okay sign.

"Your dad is really an ass, sorry but I need to say that. Hayaan mo na, Jaime will be with us this lunch. He told me to send you a big proud hug. Come..." she pulled me and hugged me tight. "I love you, always. I'm so proud of you. Kahit walang ganito, anak. Proud si Mommy sayo, hindi kita ipagpapalit kahit kay Jaime."

Natawa ako sa huli niyang sinabi, tumango-tango ako at ngumiti ng malapad. I love my mother so much, kung wala siya sa buhay ko ay hindi ko alam kung paano magpapatuloy. She'll always be my guardian and assurance in this journey.

Inakbayan na ni Eero si Mommy at Cheena habang papalabas, mahina silang nagkukwentuhan tungkol sa aming kakainang restaurant. Huminga ako ng malalim at hinarap muli ang painting ko sa pader kahanay ng ilan pang pinta ng magagaling na pintor sa Maynila.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon