Phase 40

111K 3.2K 775
                                    

Phase 40

Pinagmasdan ko ang papalubog na araw sa likuran ng mga puno sa malayo, ang mga bundok na tila sumasabay sa pag-andar ng sasakyan at mga taong naglalakad sa sidewalk. The sun is setting down to rest the bright day today, moon will eventually come out in no time and change the color of the golden day to dark blue night.

Tuwing makikita ko ang pagpapalit ng maliwanag na araw sa madilim na gabi ay hindi ko maiwasang isipin ang buhay na tinatamasa bawat araw. It seems like a daily realization in our lives that life would never be always bright and light, there will be times where we can see and feel the darkness around this reality while living it.

"Sabi ko, Met. Ayoko. Hindi pa ako handa sa buhay kasama siya." si Cheenabelle, nagkukuwento tungkol sa nobyo niyang si Niccolo. Sila pa rin.

Nangunot ang noo ko at tiningnan siya habang nagmamaneho siya at malungkot ang mga mata, I don't know what's running around her mind. Mukha naman siyang sigurado sa desisyon niyang hindi pagtanggap sa proposal ni Niccolo pero bakit ganito siya kalungkot?

"Nasabi mo na pala, Chi. Pero bakit ganyan ka kalungkot ngayon? Are you regretting your decision?"

Huminga siya ng malalim at hininto ang sasakyan sa isang bangin na nadaanan, nakaharap kami ngayon papalubog na araw. Kinuha niya ang isang in-can beer at binigyan ako. Tinanggap ko iyon pero hindi binuksan, she sipped on her beer and shrugged.

"Somehow, kasi nahuhulog na ako sa kanya. Baka masayang ko siya ngayon dahil nireject ko ang proposal. Malay ko ba kung maghanap siya ng iba, 'di ba?" she sighed.

"Bakit mo kasi nireject? Hindi naman porque nagpropose siya sayo, e, magpapakasal ka na agad at matatali sa kanya." Nangunot ang noo ko sa natanto at suminghap. "'Tsaka ano, Chi? Nahuhulog? Nahuhulog ka pa lang? Huh? Ang tagal niyo na ni Niccolo!"

I can't believe this, I thought she already fell in love with Niccolo. Hindi naman nagtatagal si Chi sa mga past boyfriends niya noon, bukod tangi si Niccolo. Fling turned boyfriend, matagalan pa! Kaya hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Chi.

She smirked down and nodded guiltily.

"Wala, Met. Ang tagal ng progress ng puso ko, ganoon din ang pag e-evolve ng katanghan ko. I don't know, but I'm really happy with Niccolo. Hindi nga lang enough ang happiness sa buhay, mayroong kulang na hindi ko alam. I can't explain what's not enough."

Suminghap ako at tiningnan siya lalo, hindi siya tumingin pabalik at nagbaba lang ng tingin sa kanyang beer.

"Si Eero ba, Chi?" tahimik kong tanong.

Nangunot ang kilay niya, hindi nakapagsalita at naramdaman ko na ang kanyang kaba nang tumaas ang tingin niya sa harapan para sa tanawin.

"Met..." she termed. "H-Hindi ako sigurado kay Niccolo, pero hindi naman siguro dahil kay Eero."

"He's a part of what's not enough for you, then?" I gasped mildly. "Damn, Chi. I didn't expect that. Oo, halata ko sayo noon na hindi lang kaibigan si Eero pero hindi ko inasahan na tatagal ng ganito. At kayo ni Niccolo, matagal na rin."

Natawa siya at sinandal ang ulo sa head rest, lumingon siya na may ngisi sa labi.

"Don't worry, hindi ko rin inaasahan na tatagal akong ganito katanga."

"Kailan pa, Chi? I just noticed it last time we went to Wave Fest. Mas nauna pa ba roon?"

Humalakhak siya. "Wow! So I hid it awesomely? Met, bago pa kita i-suggest as a painter of his room. Mayroon na. He's been my special friend for too long. Iyon lang, Eero is really a deaf and blind ass."

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon