Phase 36

93.4K 3.5K 1.5K
                                    


Phase 36



Nagising ako sa isang masamang panaginip, humihingal at hindi alam ang gagawin sa unang pagmulat ng mga mata kahit na silaw ako sa liwanag ng silid na kinalalagyan ay magkakasunod na hikbi ang lumabas sa aking bibig. My heart is beating with an obvious pain stabbing against my chest.

"Met..." Dad's voice came out, he instantly pulled me by my arms and embraced me in between his warm arms while caressing my back.

Tila gatilyo iyon ng katotohanan sa oras na ito, nagising ang diwa kasabay ng pagliliwanag ng mga mata sa paligid. I'm still shedding tears for some reason I couldn't get at first, and it clicked on my ears. The picture of the event I last saw when my world went off. Nangangatog ang mga braso ko habang nagpupumiglas kay Daddy.

"Get off! Get off!" I said hysterically and pushed him away, hindi ko maigalaw ang dila para sa ibang katanungang kinatatakutan kong masabi o maitanong.

"Ametrine, calm down." tahan ni Daddy sabay haplos sa aking buhok, pinalis niya ang mga luha sa pisngi ko.

Kunot na kunot ang noo ko sa sobrang sama ng pakiramdam, hinawi ko ang kamay niya sa akin at nanghihinang tinulak siya palayo sa akin upang makababa ako ng kama.

Tinanggal ko ang suwero sa aking kamay, nanlalaki ang mga mata ni Daddy at agad akong dinaluhan. Saktong kapapasok ni Ansel sa kuwartong pinaglalagyan ko ay mabilis ding dumalo sa akin para pigilan ako sa pagbaba ng kama.

"Ano ba!? Get the fuck off me! I want to see her! I-I want to s-see if she's alright!" Humagulgol ako at tinulak si Ansel pero sinalo na niya ako sa kanyang dibdib para mahigpit na yakapin.

"Shh, Met... Met, calm down. It's not good for you, please..." malambing niyang pagtatahan sa akin.

"Ansel!" iyak ko. "Si N-Nanay, n-nakita ko! Nasaan siya? Tell me she's all right! Please! Let me out!"

"Met, calm down first. She's still inside the operating room, hindi makakabuti sayo ang pagpapanic." marahang pagtatahan ni Ansel habang hinahawi ang buhok kong nakakalat sa mukhang luhaan.

Bahagya akong napatigil sa paghagulgol at tiningnan siya, malabo pa rin ang mga mata ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang ekspresyon habang inaalu ako.

"K-Kailan pa iyon matatapos? Can I go there? Ansel, please! That's all my fault!"

Nanlaki ang mga mata niya at pinirmi ako sa pagkakaupo sa hospital bed na kinalalagyan ko.

"What?" singhap niya. "It's not your fault, Met. Aksidente iyong nangyari, don't be like this. Isipin mo muna ang kalagayan mo, hindi ka puwedeng mastress ng ganyan."

Kumuha siya ng bulak sa lamesa at maagap na tinakpan ang butas sa kamay ko na pinag-alisan ng suwero, he looked at me again and sighed. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko at inayos ang magulong t-shirt ko.

"Kasalanan ko, Ansel! She's a blind person! Pinabayaan ko siyang mag-isa na tumawid! Kasalanan ko kung bakit siya nabunggo! Binilhan niya ako ng tubig, e! Dahil sa akin! Can't you understand that? Damn it!" umiiyak kong sambit.

"Ametrine, that was an accident! We don't know what will happen around us, hindi natin alam kung kailan may aksidenteng darating!" sambit ni Daddy, lumapit siya para hagurin ang likuran ko. He looks too worried.

My heart clenched while looking at him.

"Bakit ka narito, Dad? Why didn't you just stay with your wife and daughter who threw me out?" nanlalabo ang mga mata ko sa luha. "Asawa't anak mo ang may kasalanan nito, e! Kung hindi nila ako pinalayas na parang basura, kung hindi nila ako pinagsalitaan ng masama ay hindi ito mangyayari! Hindi ko madadamay si Nanay Amalia sa kamalasan ko!"

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon