Phase 24

84.2K 3.2K 1.1K
                                    

Phase 24



Nurse Ansel, my step-brother brought me to Urban food park near Brentdale. Tuluyan nang sinasakop ng kadiliman ang kalangitan sa oras na ito, marahan kong hinaplos ang aking mga braso dahil sa pagtayo ng balahibo nang humagod ang malamig na hangin. We took a two seater table, hindi siya nagsasalita at dumiretso lamang sa stalls para sa aming kakainin panigurado. Iniwan niya ako sa lamesang pinag upuan namin.

Binaba ko ang tingin sa mga kamay kong madungis dahil sa paint colors, marahan kong nilapag ang backpack sa aking paanan at napabuntong hininga.

I'm still thinking about how can I help Mom, nalulungkot ako at nasasaktan sa magkaparehang oras dahil wala akong magawang mabuti upang makatulong man lang sa aming buhay. I tried to lend my allowance to Mom once but she immediately refused it, she told me to buy things for my passion. Hindi ko ginawa iyon at binigay parin sa kanya ang allowance ko, pagkauwi ko nama'y naabutan ang kuwarto kong puno ng kagamitang pang painting. Siya mismo ang bumili para sa akin gamit ang allowance na ibinigay ko.

She doesn't want me to help. Iyon ang malinaw, sinosolo niya ang lahat ng pasanin kasama ako roon. Kaya mas lalong masakit isipin na pati ako ay kasama sa mga intindihin niya, I even heard about her pharmacy business. Tito Jaime was pushing the mansion and mom clearly refused it because of my sentiments.

Sobrang kitid na ba ng utak ko dahil naghihirap na ang mommy pero ang nasa isip ko parin ay ang mga alaala ng pamilya naming buo sa bahay na iyon?

Hindi rin ako nakakain ng maayos kahit na paborito kong pagkain ang dala ni Ansel pagkabalik, masyado akong lunod sa lahat ng problemang dumating at dumarating sa amin. Nakakapagod pala kapag maraming problema at sunod-sunod, hindi gaya noon na tanging pamilya ko lang na sira ang kinahuhugutan ng problema.

This time, whole life just thundered me. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako naunang ipanganak, iyong tapos na ng pag-aaral at malaki na ang naitutulong sa pamilya. E 'di sana kahit papaano ay gumagaan ang pasanin ni mommy. Ang unfair ni daddy, iniwan niya kami ng ganito. Iniwan niya si mommy na walang katuwang samantalang siya ay masaya at walang problema sa pamilya.

Ansel drove me home without his words like knives this time, hinayaan niya akong tahimik kahit kasama siya. Wala rin naman akong gana kausapin siya dahil galit ako sa daddy ko, na sila ang pinalit sa amin. Although, I know it wasn't the children's choice. Kahit si Antonia ay hindi naman siguro pinili lang na mang-agaw ng ama.

Another month, weeks of the month passed. Hindi ko parin tinatanong si mommy tungkol sa mga problema dahil natatakot ako. Nanatili akong nasa sentro, I do my thing in everyday. School and home, sa totoo lang ay nawawalan ako ng ganang mag-aral pero hindi ko hinahayaang bumagsak ako dahil ayaw kong maging pabigat sa mommy.

Ilang beses ko pang narinig ang pagtatalo nila Mommy at Tito Jaime dahil sa mga pinagagawa ni Mommy sa nakaraang linggo. Pinili kong maging sarado roon at gawin lang ang makakaya kong tulong, tinulungan ako ni Cheena at Iya sa paghahanap ng magiging trabaho. Noong nakaraang linggo ay may nagpapinta sa akin ng silid sa kanyang condominium unit na bago kaya tuwing uwian ay doon ang diretso ko upang tapusin ang detalye.

Isang linggo palang at hindi pa tapos iyon dahil masyadong marami ang detalye pinagawa niya sa akin sa pader ng kanyang silid. It was a white wolf's face in the middle of black background, sakop noon ang buong pader ng silid kaya nahihirapan ako lalo pa't hindi ako sanay na pader ang pinipintahan. I used to paint on boards, not on the walls. Hindi ko pa nasubukan kailanman.

So far, maganda naman ang nagagawa ko.

"Ayos ka lang ba rito mag-isa, hija?" tanong ng isang kasambahay na nangangalaga ng unit ngayon.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon