Phase 28

95.1K 3.3K 708
                                    

hindi pala napub ng maayos kanina, sorry. kokak



Phase 28





"Met, sasama ka ba kila Deneero mamaya sa Wave Festival?" tanong ni Selena, kaklase ko sa painting subject.

Tumango ako habang sinisilid ang mga kagamitan sa loob pouch bag. She smiled while doing the same, lumapit ang bestfriend niyang si Lyra at ngumuso sa akin.

"Pupunta rin kami mamaya kasama ang mga kaibigan. Can you join us kahit sandali lang?"

Napangiti ako at pinagkunutan sila ng noo, sila ang mga naging kaibigan ko rito sa Rockwell University simula pa noong magtransfer ako. Katulad din ang antas nito sa Brentdale, iyon nga lang ay pinakamataas nang paaralan ang Brentdale sa Laguna, samantalang ang Rockwell ay hindi nabibilang sa top 3 universities ng Manila. Marami masyadong paaralan dito pero mas napili ko ito dahil mas tahimik kesa sa mga pinagpipilian sa akin ni Tito Jaime noong una na mahal at maraming influential people na nag-aaral.

"May mga kaibigan kaming gusto kang makilala, gustong gusto nila iyong pininta mo sa pader ng gymnasium! You know, basketball players." natawa si Lyra nang sabihin ang huling salita.

I nodded. "Sure..."

Hindi naman siguro ako buong magdamag na ipapakilala sa mga kaibigan nila mamaya. Hindi ko pa rin alam kung sino ang makakasama namin nila Eero at Chi mamaya pero siguradong karamihan ay mga kaibigan ni Eero na kakilala na rin ni Chi, basically I'll be the newbie in the circle! Ngayon pa lang ay nahihiya na ako at nahihirapang mag-isip kung paano makikisama at makikihalubilo sa maraming tao.

"Ngayon ka lang makakapunta ng Wave, right?"

"Oo, e." sagot ko, sinukbit ko na ang strap ng backpack sa aking balikat. Sabay kaming lumabas ng art room habang iyon ang topic.

"Masaya 'yon, Met. Kaso malagkit!"

Nagtawanan sila.

"Bakit malagkit?"

"Softdrinks kasi ang pinapaulan! Or juice, hindi ko sure mamaya kung ano." tawa ni Selena.

"Feeling ko, lugaw na."

Nagtawanan sila lalo. Napanguso ako, ganoon ang madalas kong marinig na ideya ng event na dinadaluhan ni Eero at Cheena. Pero mas madalas ang foam party at iyong batuhan ng color powder kaya madungis lagi si Eero at Chi pagkagaling sa ganoong event. Excited din akong makaattend ng ganoon kahit wala akong kaalam-alam.

"Siraulo. Pero sana sprite! Hawak naman ng company nila ang pagdadaos ng event na ganoon."

"Sayang naman ang softdrinks." natatawa kong sinabi.

"Nako, ang mahal naman ng ticket nila kaya ayos lang. Aba! Nagbabayad naman tayo para sa saya!" sambit ni Selena.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na mahal pala ang ticket doon, hindi naman nagsabi si Eero na kailangan ng ticket para sa event. Magtatanong nalang ako mamaya, puwede naman akong bumili dahil may ipon akong pang sariling gastusin.

"Well, hindi mo naman kailangan ng ticket!" sabi ni Lyra sa akin. "Always VIP si Eeero at mga kaibigan niya sa events dito, never ka ba talagang nakasama sa events na pinupuntahan nila Eero?"

Nakatingin silang dalawa sa akin na tila hindi makapaniwala, tumango naman ako at nagkibit balikat.

Though, Dad is also giving me allowance for that, too. Naisip ko na lang na iyon ang pakundangan niya sa akin, mas sinosobrahan niya pa ang para sa school at para sa sarili kong gusto pero hindi naman iyon ang importante sa akin dahil mas magiging masaya ako sa kahit konting atensyon niya.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon