Phase 34

111K 3.4K 3.5K
                                    

Phase 34

Elos was insatiable, he took me again and again that day I called off. Halos hindi ko maramdaman ang sarili sa buong hapon hanggang gabi, I was enervated and drained from the fourth round. Pagtapos noon ay bagsak na ako at hindi makakilos sa sarili, I don't even know how he managed to do the four rounds in just a day! It was like he's making something sure... hindi niya talaga ako tinigilan hanggang sa ako na lang ang sumuko sa huli.

He dominated me. He controlled my all like a Lion King in the middle of the dark forest who will never be defeated by anyone would dare step in.

Kaya heto ako ngayon na nagtangkang tumapak, nauwing sugatan at walang kalaban-laban. I smirked at the thought, I stretched my arms. Iniingatan kong igalaw ang ibabang parte ko nang maupo ako ay pilit kong pinagdidikit ang mga hita pero sa huli ay tiniis ko na lang dahil naiihi na talaga ako.

Wala si Elos sa kama, siguro'y umuwi na. May flight pa kasi siya mamaya kaya naiintindihan ko naman na hindi na nagpaalam at mabuti na rin iyon dahil sa ganitong sitwasyon niya palagi akong hinuhuli, tuwing naiihi ako, kaya umabot iyon ng apat na beses! Para siyang nasa kalagitnaan ng hunger strike!

Mabilis akong pumasok sa banyo kahit iika-ika, I'm just wearing a new panty and Elos' white button down shirt until my knees. Halos mapasigaw ako sa gulat nang maabutan si Elos sa loob ng banyo, nagsisipilyo sa harapan ng salamin habang sinusuri ang ilang kalmot sa gilid ng leeg niya. Boxer shorts na kulay itim ang suot niyang Calvin Clein. Nangingisi pa ang labi, nang marinig ang bahagyang pagtili ko ay nahinto ang pagngisi-ngisi niya roon at ngumuso.

I glared at him. "Labas nga! May gagawin ako!"

His eyes broadened in surprise, kinuha niya ang toothbrush sa bibig at nagpamaywang sa harapan ko. Uminit ang pisngi ko nang maharap ang kanyang hubad na dibdib, and damn his v-line is very noticeable. Ang mga hati sa kanyang tiyan ay hindi ko mawari kung anong klaseng sculpture. All I know, Elos is a masterpiece of my own perception.

"Ano?" kuryoso niyang tanong.

Napansin ko ang tattoo niya sa abdomen, hugis bulaklak iyon pero mukha ng tao ang kalahati na hindi ko gaanong masilayan ng malinaw dahil natatakpan ng kanyang isang kamay na nakapamaywang. Napakurap-kurap ako nang makita ang isang peklat na malapit sa tattoo, nasa right part ng kanyang tiyan, malapit sa sentro.

My heart clobbered instantly. Mukhang alam ko kung saan nagmula ang peklat na iyon!

"Labas muna, Elos! Naiihi na ako!" impit kong sinabi.

I'll ask him about it later.

Ang bwisit ay pinasadahan pa ako ng tingin, tumaas ang kilay niya at tiningnan ang nakahantad kong balikat kung saan ang aking tattoo. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya sa dibdib at madaling pumasok na sa dibisyon ng toilet, narinig ko ang halakhak niya. Sinara ko ang kurtina at naupo sa bowl para makaihi. Hinawakan ko ang puson nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita habang umiihi.

"Masakit, Met? You need my help?" he asked on the other side of the restroom.

"Siraulo ka ba? Anong itutulong mo? Wala naman, 'di ba!?" pagalit kong singhal habang hirap sa paglalabas ng ihi, pinapabagal ko pa dahil masakit.

He sighed massively. "All right, I'm sorry."

"And you told me earlier you are not sorry for taking me four straight times! Tingnan mo ang nangyari sa akin ngayon!"

He chuckled lowly. "I'll buy you something to eat, then. Ice cream, gusto mo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Asshole! You hurt me!" it's nonsense, Ametrine! Ginusto mo rin naman, naninisi ka pa talaga sa sakit mo ngayon?

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon