Phase 6

110K 3.8K 1.2K
                                    

Phase 6




"Tara na! Tara na! Mamaya maabutan pa tayo ng bagyo! Baha na roon sa dadaanan natin!" Si Cheena ang sumigaw.

Sumunod lang ako sa kanilang magkakaibigan, kasama ang ilang pamilyar sa akin pero hindi ko alam ang mga pangalan dahil hindi ko naman tinangkang kaibiganin.

"E, ano naman? Ganoon din iyon, maliligo tayo sa ilog!" sabi ng isa niyang kaibigan.

"Iba ang baha sa ilog, engot! Sa ilog walang tae ng tao at mga pampers na nakalutang, sa baha ay halo-halo na! Dumi ng tao, dumi ng aso at ihi ng daga!" irap ni Chi. "Mga basura, nagsuswimming!"

Napangisi ako at umiling na lamang. Nagtawanan sila Iya.

"Oo nga naman, kapag naabutan tayo ng baha. Kadiri 'yon, mamaya makasalubong natin ang mga naglulutangan na pampers tapos may echas pa! Shit, can't imagine!" nandidiring ani Iya.

"Nakaswimsuit siguro 'yong mga basura, feeling nila." halakhak ni Iya.

Humagalpak sila sa tawa. Ngumiwi ako sa isip.

Minsan talaga may joke na hanggang joke nalang talaga, pero hindi nakakatawa.

"Andoon na raw ba sila Dorothy? Baka naman, niloloko lang tayo nun?"

"Hindi 'yon! Kilala ko na pati appendix nila Dorothy at Lany, kaya hindi ako iindianin noon. Nag-iihaw daw ang friends niya ng tilapia at bangus. Nagtext sa akin, bilisan daw natin dahil mas masarap maligo sa ulan sa ilog." si Trixie.

"Uy, sure ba nandoon sila Geoffe?"

"Oo, pati si Kyle."

Nagtilian ang tatlo sa kanila na kinikilig sa nalaman.

"Guwapo rin ni Geoffe, e. Crush ko sila ni Kyle. Kaso medyo suplado."

"Hindi iyon suplado, hindi lang talaga pumapansin ng hindi kakilala." sabi ni Trixie.

Madalas talaga na magustuhan ngayon ay iyong mga may mukha, pero hindi napapansin ang kaugalian ng isang tao. Walang masama sa magkacrush pero may ibang tao na ang crush ay ginagawang basehan ng pagmamahal.

Having a crush on someone doesn't mean loving already, admiring someone is way better than loving someone. Admiration is shallow while love is a wholesome feeling where we can feel shallow at first, will turn into something deeper than serious, and getting crazy while finding more reasons to love someone or even something we badly want because loving is an obsession, too.

Ang pagkakaiba ng admirasyon at pagmamahal para sa akin, ang admirasyon ay mababaw na languyan pero masarap sa pakiramdam na kaya nating ahunan anumang oras habang ang pagmamahal ay nasa sentro ng pinakamalalim na unti-unting nanghihila upang malunod mula roon hanggang sa manatili na lamang at sabayan ito kahit sa masakit na paraan pa.

Loving someone means blinding yourself because once we felt it, there's no simple way to get out. It's a blank cave without light and a way back anytime we want to. So, be careful. And I know admiration can turn into something, shallow things can be deeper, too.

Ang paghanga sa isang tao ay puwedeng maging malalim pero hindi ako naniniwalang sa dahilang guwapo o maganda, masyadong mababaw ang ganoong dahilan. Ang paghanga ay kinikilala at proseso, parang math subject. Siya ang topic at may formula kung paano isosolve, habang patagal ng patagal ay maraming pagkakamaling madadaanan na pwedeng magpasuko sa utak.

Siniko ako ni Iya. "Kumusta Mama mo? Maayos na ba siya?"

"Maayos naman." tango ko, medyo nagtataka.

Hindi ko naikwento sa kanila iyon, pero batid kong narinig niya sa mama niya ang balitang iyon dahil nakakasama naman ni Mommy ang mga amiga niya. Kasama roon ang nanay nila Iya. Kaya... siguro nga.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon