Phase 13

107K 4.5K 1.9K
                                    

Thank you for readig.

Phase 13

He brought me to a high cliff, dumaan pa kami sa masukal na kagubatan para marating ang bangin sa dulo nito.

"Elos, baka may ahas dito at matuklaw ako!" himutok ko habang naglalakad sa kagubatan.

He was holding my hand to support, pangatlong beses na kasi akong nawawala sa balanse kapag may natatapakang mga bato at kahoy. Hindi ko makita masyado ang madadaanan dahil may kataasan ang damuhan.

"Walang ahas, binugaw ko na bago pa kita dalhin dito." he laughed.

"Ewan ko sayo! Sa taas ng mga damo rito, imposibleng mawalan ng ahas. Pag ako natuklaw, tingnan mo lang!" banta ko sa kanya.

Napasigaw ako nang huminto siya para buhatin ako, my heart is twisting and fluttering that hurts my chest automatically. Kusang kumapit ang mga kamay ko sa kanyang leeg sa takot na maihulog niya ako kapag nagpumiglas, matalim ko siyang tiningnan habang naghahabol ng hininga.

"You can't kill me here," iling niya sabay tawa. "Seconds of patience, ADC. Malapit na ang cliff. You'll see another things could be your next seascape after this."

Ngumuso ako at sumulyap sa kanyang mukha, hindi siya mukhang hirap sa pagbuhat sa akin. Nasa balikat niya rin ang bag ko at duffel bag niyang dala. All in one, Elos? Pati ako dinala na, e. Literal.

My heart giggled while watching his face, nalalapatan na ng pawis ang kanyang sentido pababa sa kanyang pisngi at panga. I raised my hand to wipe his sweat and I smiled privately, hindi lang pala mukhang malambot dahil malambot talaga ang pisngi niya at balat.

He was stunned for a second and turned his eyes on me with a small smile because of what I did. Uminit ang mukha ko pero hindi ko na pinuna pa.

"Did you bring your pencils and sketchbook?" he asked, extruding his lips innocently.

"Yup, always with me."

"All right, I think you'll like the view here. Hindi rin mainit sa dulo. Baka tangayin ka pa ng hangin." aniya sabay bahagyang takot sa akin na ilalaglag ako.

Hinampas ko agad siya sa inis. "Napaka mo talaga!"

"You're so thin, Met. Ang gaan mo, parang baby." halakhak niya.

"Mas mabigat ako sa baby!" asik ko.

Ngumuso siya at nagkibit balikat na tila nang-iinis, tumitig siya sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at tinuon sa natatanaw kong dulo ang aking mga mata.

"Nakapunta ka na talaga rito? Parati ba?" tanong ko para makaiwas sa pagkahiya ko.

"Isang beses palang, just to have new views for my shots."

"Kailan?"

"Eight months ago."

"Ikaw lang mag-isa?" medyo attentive ang utak ko pero normal ang pagtatanong.

"I was with Antonia, she also painted the view of city lights from afar."

"Ah, siya ba 'yong ex na tinutukoy mong nagpapadala ng paintings sayo?"

He just nodded like it's nothing.

Narating namin ang dulo kaya bumaba na ako mula sa kanya, ngumuso ako at hindi na pinansin pa ang huli niyang sinabi. Hindi na iyon sakop ng kailangan kong alamin dahil baka mairita lang ako habang maganda ang tanawin dito.

Antonia, tss. So he brought her here, first! The very first!

Sinantabi ko ang iritasyon at pait, mabilis akong tumakbo patungo sa dulo para makita ang nasa ibaba. It's the end of the sea here, suminghap ako at nalula habang tinitingnan ang pagtama ng malalaking gusali ng tubig sa pader ng bangin na inaapakan namin. I inhaled and exhaled the heavy cold but salty air, sumabog ang buhok ko sa likuran kaya mabilis ko iyong tinali gamit ang panyo.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon