Phase 46

116K 4K 2.9K
                                    

do not expect too much.

Phase 46

Nagkatingnan kami ni Elexius, the confusion in his eyes while looking at me became clearer as the minutes passed. Huminga ako ng malalim, dinala niya ako sa isang restaurant malapit sa ospital. Kasama si Primiel, Arki at Troi. Iyon lang ay nasa malayong lamesa sila mula sa aming dalawa ni Elexius Villareal. Nilingon ko ang lamesa nila, kinakausap ni Arki si Troilus habang si Primiel ay nanunuod kay Troi. Nakiusap ako sa kanila na mag-usap muna kami bago ang lahat upang magkalinawan kahit papaano lalo na sa sitwasyon ng memorya ko.

I need to be careful with this, especially because this is all about Troilus. Oo, tungkol kay Troi ito dahil siya ang anak ng kapatid ng mga Villareal na ito at hindi ko masisisi na nakitaan agad nila ng pagkakakilanlan si Troi kahit na hindi naman nila nakilala ng ilang taon. It's very hard not to think of it, kanina lang ay sigurado na si Primiel Villareal sa sinasabi niyang hindi Ylarde si Troi at agad na iyong kinumpirma sa unang pagkikita pa lang.

Nagbuntonghininga ako nang makita kong nilingon din ni Elexius ang lamesa ng mga bata.

"I just knew Archelaus last year..." he started with it. "He was saved from Fab's probable miscarriage, I'm sure Elos already told you about that."

Nangunot ang noo ko, unti-unting dinidikdik ang utak ko kung may narinig nga ba akong balitang ganoon. Wala sa sariling napailing lang ako at bumuga ng hangin. His forehead wrinkled while watching my confused expression.

Bukod sa gulat ako na kailan lang din niya nakilala ang anak ay gulat din ako na ganoon kadali niya pa lang natanggap ang inakalang pagkawala ng anak noon.

"I-I'm sorry, I couldn't really remember." pag-amin ko.

He gasped and averted my gaze, napamura siya na tila may nakumpirma mula sa aking sagot. Muli siyang suminghap at pumikit ng mariin, humilig ang mga braso niya sa lamesa.

"I won't ask you about the accident you went through, but what took you so long hiding? Wala ka bang naalala kahit isa? Wala ka bang naisip na tungkol sa pamilya mo o tungkol sa kapatid ko kahit maliit na bagay? Sobrang tagal, Ametrine." mariin ang bawat salita niya.

Kumalabog ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya, kumirot ng bahagya ang noo ko at tila may humarang doon.

"Ametrine, you didn't inform me about your out today! Ilang beses ko bang sasabihin ito? Paulit-ulit, e." iritadong sambit ng boses.

"I'm sorry! Pauwi na kami!" I said guiltily.

"I just got out of the meeting with Villareals, Met. Kung hindi ko pa nalaman sa pinsan ko, hindi ko pa malalaman ang pag-alis mo ngayong araw. Uugaliin mo na ba 'yan?" nagtitimping tanong niya.

"Pauwi na kami, Elos. I'll explain my side, I already said sorry. You don't need to scold me. Si Chi naman ang kasama ko." medyo naiirita kong sinabi.

He sighed massively.

"Where are you exactly? Can you tell your friend to stop driving and I'll get you where..."

"Met, tell her to stop, habang hindi pa lumalakas ang ulan. Kukunin ko kayong dalawa, just stop over. Kahit sa malapit na restaurant diyan."

"Okay, I'll tell her."

"All right, I love you."

"I love you..." I said back.

Suminghap ako at napayuko ng ulo dahil sa biglaang pagsuksok noon sa pandinig ko, the voices were just like on the radios inside my head but it made my heart skip for awhile. Gusto kong maiyak, hindi ko alam kung bakit pero malala ang pagsikip ng aking dibdib. It was just his voice, worried and frustrated from something's happening that day. And hell, my voice said the three words back without hesitation like it was a normal thing to tell him.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon